BILANG OFW, IKAW, AKO, TAYONG LAHAT AY NAGBABAYAD NG MEMBERSHIP SA - TopicsExpress



          

BILANG OFW, IKAW, AKO, TAYONG LAHAT AY NAGBABAYAD NG MEMBERSHIP SA OWWA o Overseas Worker Welfare Administration. Sa pangalan pa lang ng ahensya malalaman na natin kung ano ang kanilang papel sa ating mga manggagawa sa ibayong dagat. Sila ang Tagapagpamahala ng Kapakanan ng Pilipinong Manggagawa sa labas ng bansa. Nagbabayad ka ng annual membership, ang tanong, ALAM MO BA ANG MGA BENEPISYO na makukuha mo sa OWWA? Pustahan tayo karamihan sa atin ay hindi alam kung ano ang pakinabang natin sa OWWA. Nagbabayad lang tayo ng membership DAHIL REQUIRED para tayo po ay makaalis. Tama ba? Bueno, heto ang ilang benepisyo na makukuha natin sa OWWA bilang isang miyembro. - Makakatanggap ka ng hanggang P50,000 mula sa OWWA kung (knock on wood) sakaling may nangyari sayo at magkaroon ka ng partial disability OR dismemberment o kapag ikaw ay tumigil na sa pag-aabroad. - Makakatanggap ka ng P100,000 for total permanent disability (knock on wood ulit). Halimbawa ikaw ay nalumpo, nabulag, nawala sa katinuan... - Ang pamilya ng isang OFW ay makakatanggap ng halagang P100,000 kapag ito ay nasawi dahil sa pagkakasakit AT P200,000 naman kapag si OFW ay nasawi dahil sa aksidente. (Knock on wood again) - In addition, may P20,000 din na burial benefits si OFW mula sa OWWA kapag ito ay natsugi (ang liit naman, di makabili ng ataol :D) Yan po ang mga basic benefits na makukuha ng isang OFW sa ibinabayad na membership fee na US$25. Marami pang pakinabang sa OWWA na ating talakayin sa susunod na mga araw. Magandang umaga Kahunta, Si Admin Kevin po ang inyo kasa-kasama hanggang ala una! It is now 12:11!
Posted on: Mon, 08 Jul 2013 16:12:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015