BROMANCE RULES WHEN TEXTING A GUY. Upang maiwasan ang super - TopicsExpress



          

BROMANCE RULES WHEN TEXTING A GUY. Upang maiwasan ang super duper awkward moment kapag kachat mo ang kapwa mo alpha male, ito ang ilan sa mga tips na dapat mong isapuso. Hindi puwedeng mag usap sa chat ng more than 10 minutes while you’re both in your beds. Baka kung saan mapunta yan. Bawal maglagay ng “poh” sa Chat. Hindi mo ikakacute yan. Makuntento na sa “hoy gagol” bilang greeting. Kahit gaano pa kayo kaclose, bawal mag “Goodmorning bro” o mag “Goodnight bro”. Hindi mo kailangang ipaalala sa kanya na umaga na dahil may sarili siyang bintana. Hindi rin gaganda ang umaga niya dahil nagtxt ka. Maximum of 15 minutes lang ang pakikipagchat. Wag tapusin ang usapan thru phone call just to say goodnight. Masyadong suggestive. Bawal magtext ng “Text me when you get home” lalo na kung galing kayong inuman. Mas clingy ka pa sa girlfriend niya. Mas katanggap tanggap ang “Wahahaha!” kesa “hihihi”. Hindi ka chix. Always say, “We love you, pare!” at hindi, “I love you prehh.” Ganun din sa ”Miss na kita preh”. Baka mag-expect yan na i-Dawn Zuleta mo siya pag nagkita kayo. Wag magdemand na antagal niyang magreply. His life doesn’t revolve around you. Bawal mag lagay ng smiley. Nagkakaron ng ibang kahulugan ang ordinaryong linya tulad ng “Kita tayo mamaya?” pag nilagyan na ng “:)” sa dulo.
Posted on: Mon, 04 Nov 2013 09:13:09 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015