BUMUO na ng fact-finding committee ang Commission on Elections o - TopicsExpress



          

BUMUO na ng fact-finding committee ang Commission on Elections o COMELEC na mag-iimbestiga sa alegasyong iligal na pag-iimprenta ng isang printing firm ng mga balota para sa May 13 midterm elections. Batay sa Comelec Resolution No. 9760, itinalaga ng poll body si Comelec law department director Esmeralda Amora-Ladra upang pamunuan ang komite na mag-iimbestiga sa naturang kontrobersiya. Una rito, ibinunyag ng whistleblower na si Melchor Magdamo na nag-imprenta umano ng mga balota noong Hulyo ang Holy Family Printing Corporation sa Quezon City para sa midterm elections kahit pa tapos na ang halalan. Pinabulaanan naman ito ng kompanya. Ayon kay COMELEC Chair Sixto Brillantes Jr., ang di awtorisadong pag-iimprenta ng balota ay isang election offense sa ilalim ng Omnibus Election Code. #NDBC #BIDAvote
Posted on: Sat, 31 Aug 2013 00:23:32 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015