Babae VS. Lalaki TAKE TIME TO READ: Ang mga babae isnabera yan - TopicsExpress



          

Babae VS. Lalaki TAKE TIME TO READ: Ang mga babae isnabera yan sa una lalo pa kung di ka niya kilala. Pinakaunang huhusgahan nila ay ang inyong panlabas na anyo. Kung pano ka manamit, kung paano ka gumalaw, kung paano mag-ayos, etc. Pero kapag nakilala ka na niya… kahit isang daang tao pa ang manira sayo… handa silang ipagtanggol ka. Samantala ang mga lalaki, sa una sila malambing, gagawin ang lahat para mapansin. Papatawanin ka.. papasayahin at susurpresahin ka nila na halos ayaw mo ng lumipas ang bawat sandali. Di man sa linalahat ko, pero karamihan sa mga lalaki habang tumatagal ang relasyon… mas nagsasawa… samantala ang mga babae masnagmamahal.. masnapapalapit… at masnasasanay. Kaya pagdating sa break up ang babae ang masnasasaktan. Nakakatawang isipin no…sa simula, ang lalaki ang parang ulol na aso kakahabol sayo para mapansin mo lang… tapos sa huli aalis lang pala na parang walang nangyari. Kalimitang rason nila… “sawa na ako eh”, “di na kasi katulad ng dati”, “wala ng spark” at “di pa kasi ako handa”. ANg mga babae super madaldal yan lalo pa kung subrang close sayo… halos bawat segundo ng kanilang buhay ay ikukwento at ikukwento. Lalo na ang pinakamasayang nangyari sa araw nila… kung paano siya napahiya… kung paano siya nabuwesit… kung paano siya napatawa sa nangyari, etc., Samantala ang mga lalaki, kalimitang kakwentuhan nila ay kapwa mga lalaki rin… mga kalokohan… katarantaduhan at iba’t ibang trippings sa buhay ang paulit ulit na usapan. Di ganoon ka open ang mga lalaki sa babae kasi baka dumating sa point na makita nito ang kahinaan nila. Halos lahat ng lalaki kasi mapride… subrang pride… ayaw nitong naaapakan sila…o napapahiya sa harap ng karamihan at mas lalong ayaw nila na mas nalalamangan sila ng pagkalalaki. Kapag ang babae nasaktan… ang pinaka una nitong gusto masabihan ng problema ay ang lalaki o babaeng pinakaclose niya… kasi masnararamdaman niya ang comfort at pagiging safe. Gusto nila magsalita ng magsalita at dapat parati sila kinakampihan mo. Di dapat sila binabara kapag galit kasi masnabubwesit sila. Kapag di na nila kaya ang sakit na nararamdaman,gusto ng babae umiyak sa tabi ng lalaki o di kaya sa pinakamalapit na bestfriend girl.. ang pinakagusto nila ay yong niyayakap sila ng mahigpit at pinapatahan. Ayaw nilang umiyak na walang kasama kaya nga karamihan ng mga babae sinasabi na di ko kayang isipin na wala siya sa buhay ko. Sa lalaki naman kapag nasaktan sila… pupunta sila sa pinakabestfriend na kaibigan o mga barkada. Lalabas ng inumin at magtatagay… at doon niya lahat ilalahad ang sakit na nararamdaman. May mga lalaki naman na pupunta sa bestfriend at doon magkukwento ng seryoso… pero maswerte ka kapag isa ka don. very rare sa lalaki ang magsabi ng kanyang kahinaan at mga problema sa buhay lalo na sa mga babae. Natatakot kasi ang mga lalaki sabihan na “bakla”, “iyakin”, at ang pinaka-ayaw ng mga lalaki ay malaman ng karamihan na umiyak siya. Maraming mga babae ang magaganda pero di ibig sabihin mapili sila sa lalaki.,.. pero kapag ang lalaki ay pogi o gwapo, naku pang Bb. Pilipinas lahat ng mga syota niyan. Kapag ang lalaki NGSB ibig sabihin subrang taas ang pagtingin nito sa relationship… yong tipong kapag nanligaw siya dapat mahal niya talaga.. hindi yong trip trip lang o kesyo maganda. Kapag ang babae naman NBSB, takot yan magmahal kaya mas tumataas ang standard o di kaya wala pang nanliligaw. Kapag ang babae nasaktan sa pag-ibig masnatatakot ng umulit magmahal pero kapag ang lalaki nasaktan mas naghahanap ng susunod na mamahalin. Kapag hinalikan ka ng babae ibig sabihin mahal na mahal ka niya… kapag ang lalaki humalik sayo mahal ka niya. Kapag ang babae nagwalk out.,.. gusto nilang habulin mo siya kasi kapag hindi, mas nabubwesit sila… kapag ang lalaki nagwalk out… ayaw niyang kulitin siya… kaya wag ka ng humabol pa. Kapag ang babae nagseselos… tahimik sila o di kaya nagpaparinig o basta ipapakita nilang galit sila at nagseselos. Kapag ang lalaki nagselos, yon maingay ang lalaki… kaya expect mo ng away ang kakalabasan nito. Kapag ang babae nag sorry, di na niya ito uulitin… kapag ang lalaki nagsorry.. gusto niyang patawarin mo siya. Kapag ang babae nag-effort sa kakatext sayo kahit gabi… kinikilig yon kahit antok na.Kahit nga sa simpleng I love you mahal o kumain ka na ba sweetheart ay napakahalaga nito sa babae. Mahilig ang babae magtago ng mga text ng lalaki kaya tuloy mas nahihirapan magmove on. At ang pinaka-nakakatawa sa lahat ay mas saulo pa ng babae ang number ng mahal niyang lalaki keysa sa number ni mama at papa niya. Samantala ang lalaki depende ok lang sa kanila na saulo ok lang naman na hindi. Nakikita ng lalaki sa mata ng babae kapag mahal siya nito… kaya nga alam niya kapag may pag-asa siya rito… at nakikita ng mga babae sa mata ng mga lalaki kapag nagsisinungalin ito kaya mas nasasaktan sila kapag masnagsinungalin pa ang lalaki.. kasi bago magconfront ang babae… marami na yang ebidensya at marami na yang napagtanungan.Samantala naman ang lalaki sugod lang ng sugod kahit di pa sigurado. Kapag ang babae nagsabing tama na… tapusin na natin to… pwedeng bukas kayo naman ulit pero kapag ang lalaki na ang nagsabi… sorry na ang susunod na maririnig mo. Kapag marami kayong magkakasama, gusto ng lalaki kasama mo siya parati… nagseselos yan kahit sa barkada lang. Mahilig ang mga babae magpaselos sa lalaki kasi gusto nilang nakikitang nagseselos ito o nag-aalburuto kasi nakikita niyang mahal siya nito. Kapag ang lalaki ang nagpaselos sa babae… pinapainggit siya nito. Kapag ang babae nagmahal ng tunay kahit buong buhay pa niya ibubuwis niya para sa mahal niyang lalaki…. at kapag ang lalaki nagmahal ng tunay gagawin niya ang lahat maprotektahan lang ang kanyang minamahal na babae. Wag kang magtampo kung nasaktan ka man… kasi lahat tayo nasasaktan pagdating sa pag-ibig. Di ibig sabihin na sinaktan ka ng una, sasaktan ka ulit ng pangalawa. Kasi nga sabi nila kaya ka nasasaktan kasi di mo matanggap na wala na yong dati… ang totoo di naman ang kahapon ang pinag-uusapan dito eh kundi ang bukas… kung nasaktan ka man kahapon… dapat bukas pa rin ang puso mo para magmahal para sa susunod na mga araw… kasi kung yong kahapon ay talagang para sayo… gagawin niya ang lahat para magtime travel papunta sa bukas mo maging kayo lang ulit. Ang pagibig di yan exam na kailangan magmadali kasi may time limit at mas lalong di mo kailangan mag cheat kasi iba iba ang sagot natin dyan. Basta ang mapapayo ko, pakinggan mo ang puso mo kung saan ka masaya…. kung saan ang tingin mo ay tama… at higit sa lahat wag kalimutang magtiwala sa Diyos na bibigyan ka ng taong bubuo sa ganap mong pagkatao. (♥) tama ba
Posted on: Thu, 25 Jul 2013 21:37:18 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015