Bago dumating ang Araw ng Paghuhukom, ang una munang magaganap ay - TopicsExpress



          

Bago dumating ang Araw ng Paghuhukom, ang una munang magaganap ay ang tinatawag na As-Saaah --- Ang Oras ng Pagkagunaw ng Sandaigdigan. Subalit bago ito mangyari ay may mga palatandaan muna na magaganap: ang mga Maliliit na Tanda at mga Dakilang Tanda. At ang ilan sa mga halimbawa ng mga Maliliit na Tanda ay ang mga sumusunod: Ituturing na pangalawa na lamang ang relihiyon sa pamumuhay ng tao; Ang kaalaman hinggil sa pangrelihiyon na bagay ay unti-unting mawawala, at ang magiging laganap ay kamangmangan; Malalaking pagsubok at laganap na mga patayan; Ang pakiki-apid, kasinungalingan, pandaraya at mga ipinagbabawal na inumin ay magiging pangkaraniwan na lamang; Pagkawala ng tiwala sa isat isa; Ang bilang ng mga kababaihan ay hihigit sa mga kalalakihan; Hindi na mamahala ang tao ayon sa batas ng Allah at ng Kanyang Sugo; Ang pagtitiwala ng tao sa kanyang kapuwa ay gagamitin na lamang bilang paraan kung paano kumita at makinabang; Ang isang lalaki ay magiging sunud-sunuran na lamang sa kanyang asawa at susuwayin niya ang kanyang ina; Ang tao ay igagalang dahil sa takot nila sa kasamaan na kanyang ginagawa at hindi sa mga kabutihan na ginagawa niya; Magiging popular ang mga mang-aawit na babae at dadagsa ang ibat-ibang musical instruments; Ang panahon ay napakabilis lumipas; Hindi na gagamitin ng mga mayayaman ang kanilang salapi sa tunay at tamang pamamaraan, ito ay gagamitin nila ayon sa kanilang kaisipan at kagustuhan; pagligsahan ng mga naglalakihang gusali... Sa madaling salita, ang mga Maliliit na Tanda hinggil sa Oras ng pagkagunaw ng sandaigdigan ay naganap nang lahat. Ngayon ang hinihintay ng lahat ay ang mga Dakilang Tanda. Subalit bago ito mangyari ay magaganap muna ang pagtitipun-tipon o pagbabalik ng mga Hudyo sa Palestine. At sa kasalukuyang panahon na kinalalagyan natin ngayon ito magaganap --- namamalas natin na ito ay patuloy na nagaganap! Sapagkat walang sinumang Hudyo ang matitira sa labas ng Palestine. Lahat sila ay kusang papasok sa loob nito. Lahat ng mga Hudyo sa ibat ibang lugar ay kusang babalik dito. Ito ang sumpa sa kanila --- titipunin silang lahat dito upang puksain ng Allah. At alam na alam nila sa kanilang mga sarili ang katotohanang ito. Nakikita ninyo mismo, ang kusa nilang pagbabalik sa lugar na ito. At ang isa pa, ay ang paglitaw ng Al-Mahdi --- Ang isa na Pinatnubayan. Subalit bago lumitaw ang Al-Mahdi, ay yayanigin ng Allah ang buong kapaligiran. Maaaring sa pamamagitan ng mga baha, malalakas na paglindol, kalamidad o pagsabog ng mga bulkan --- sasanhiin ng Allah na maganap ang mga kaguluhang ito, upang mag-wakas ang pamumuno ng mga Diktador! Sa ganitong pamamaraan wawakasan ng Allah ang Henerasyon ng mga Diktador! Ang paliwanag ng ilang Paham (Scholar) sa Islam: may pagbabagong magaganap sa inner core magnetic of earth, na magiging sanhi ng pagkawala ng saysay ng mga mapupuwersang sandata. Kapag naganap ito, wala nang maka-bagong teknolohiya (technology), wala nang maki-naryang aandar sa buong daigdig --- sasakyan, barko, eroplano o anumang bagay. Dahil ang lahat ng makinarya at teknolohiya ay bumabatay lamang sa pangangailangan ng magnet upang ito ay umandar. At dahil sa magkakaroon ng pagbabago sa inner core magnetic of earth; na kung kaya ang mga mapupuwersang sandata ay parang magiging mga pirasong bakal na lamang. Mawawasak at maglalaho ang mga mapupuwersang sandata tulad ng Missiles, Bombs, at iba pa! Wallahu Aalam! Sa madaling salita, bago lumitaw ang tinatawag na Al-Mahdi ay may magaganap. Na ikakasanhi ng kawakasan ng lahat ng mga Diktador at pagkawala ng saysay ng mga mapupuwersang sandata. Pagkatapos nito ay ang mga Dakilang Tanda, at kapag nangyari ang isa sa mga ito, sunud-sunod na itong magaganap lahat. Ang mga nasa ibaba ay itinuturing na mga Dakilang Tanda, bagamat ang pagkakasulat nito ay hindi ayon sa pagkaka- sunud-sunod, magkagayun pa man, walang pag-aalinlangan na magaganap ang lahat ng ito: * Paglitaw ng Massihid-Dajjal (Huwad na Kristo); * Ang Pagbaba ni Hesus na Anak ni Maria; * Ang paglabas ng mga Gog at Magog; * Ang Pagsikat ng Araw sa Kanluran, na kapag ito ay naganap, hindi na maaaring tanggapin ang pagsisisi ng sinuman; * Ang Paglitaw ng Ad-Daabbah o Beast sa ilalim ng lupa; * Ang Usok [o Dukhan]; * Ang Pagwasak ng Kaabah; * Ang mga salita ng Quran ay mabubura; * Ang pagbagsak ng kalupaan - (lulubog ang kontinente at matatakpan ito ng dagat): ang isa ay magaganap sa dakong kanluran, ang isa ay sa silangan, at ang isa ay mismong sa Arabya. * Apoy at Kombulsiyon (Pangingisay) ng Daigdig. Ang lahat ng mga nabanggit sa itaas na mga Dakilang Tanda ay napakalinaw ang pagkaka-paliwanag sa Islam, ang bawat isa ay ganap ang impormasyon.
Posted on: Thu, 21 Nov 2013 06:34:07 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015