Bagong GM: Walang dagdag-pasahe sa PNR iniyak sa publiko ng - TopicsExpress



          

Bagong GM: Walang dagdag-pasahe sa PNR iniyak sa publiko ng bagong general manager ng Philippine National Railways (PNR) na hindi magtataas ng pasahe ang PNR train hanggang hindi napapabuti ang serbisyo nito. Nasa P10 hanggang P20 ang pasahe sa PNR. “We will have to improve our services first before we could think of charging extra through a fare hike. That’s basic,” sabi ni PNR General Manager, Engr. Joseph Allan Dilay. Matapos siyang pormal na maluklok sa puwesto noong Biyernes, sinabi ni Dilay na ang una niyang agenda ay magsagawa ng operational, technical at physical audit sa PNR at sa mga ari-arian nito. “I will first inspect the tracks and the trains that are currently not in use. I will check what needs to be done so as to put them into use so that hopefully we can deploy more train sets. As soon as we lessen the headway between trips, we can serve as much passengers,” dagdag niya. Aniya, prayoridad din niya ang pagpapaganda sa mga istasyon ng tren na ipatutupad sa susunod na anim na buwan. “We will paint the stations so that it will be decent enough for our passengers and expand the waiting shed for their convenience,” ani Dilay. Tungkol sa Bicol Express, sinabi ni Dilay na mag-iinspeksiyon ang PNR sa mga riles bilang unang hakbang upang matiyak na ligtas ang biyahe ng tren sa mga probinsiya. Bumibiyahe araw-araw ang PNP Metro Manila line mula Tutuban sa Manila hanggang sa Alabang, Muntinlupa, na aabot sa 18,000 pasahero ang sumasakay dito. – Kris Bayos balita.net.ph/2013/10/08/bagong-gm-walang-dagdag-pasahe-sa-pnr/#.UlaOMNJ9I-8
Posted on: Thu, 10 Oct 2013 11:24:52 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015