Bakit Ngayon Labas tayo. Pwede ka ba? Tatlong beses. Lima. - TopicsExpress



          

Bakit Ngayon Labas tayo. Pwede ka ba? Tatlong beses. Lima. Sampu. Paulit ulit niyang binasa yung mensahe. Paulit ulit niyang hinanapan ng butas… ng mali. Paulit ulit niyang hinanap yung kasunod na "Joke lang" o kaya "Sorry. Missent." Pero wala. Labas tayo. Pwede ka ba? Walang labis, walang kulang. Saan? Wala pa sana siyang balak sagutin yun kung hindi lang siya natakot na baka biglang bawiin ng kausap yung sinabi. Kilala niya to. Alam niya kung gaano ito kabilis magbago ng isip. Alam niya na bihira lang yung ganitong pagkakataon… yung ito yung magyaya. Yung dito manggaling yung initial thought. Yung first move. Lalo na ngayon na ang gulo gulo ng sitwasyon nila. Same place. Siguro naman alam mo pa yung daan. Kita tayo around 7. See you, Moe. Maaga siyang dumating. In fact, sa sobrang aga niya, nakalimutan niyang magsuklay. Nakalimutan niyang magpabango. Nakalimutan din niyang bumili ng bulaklak gayong alam na alam niya kung gaano kahilig sa bulaklak yung babaeng hinihintay niya. Tatayo, lalakad, uupo, hihinga ng malalim. Kung ilang beses niyang ginawa yun, hindi niya din mabilang. Pinagtitinginan na siya pero wala siyang pakialam. Excited siya. Gustong gusto niyang hilahin ang oras. Para lang patigilin ito ulit pag kaharap na niya yung babaeng dalawang linggo din niyang hindi nakasama. Yung dalawang linggong yun, para sa kanya, dalawang taon. Kaya hindi na siya nagpapigil pa nung huminto ang kotse ng dalaga sa harapan niya. Bigla siyang tumayo, tumakbo, muntik nang madapa. At pagbukas niya ng pintuan, bigla na lang niya itong niyakap na parang walang nangyari… na parang hindi sila nag away. "Uhm… pwede mo na kong bitawan." "Ayoko. Namiss kita, Julie." "Moe," pagsaway nito sa kanya. “Public place. Umayos ka." Wala siyang nagawa kundi ang umatras at pakawalan ito. Kasi kilala niya si Julie. Kilalang kilala. At alam niya na wala pa siyang karapatan na wag itong bitawan. Kasi may kasalanan siya. At kahit hindi nito ipakita sa kanya, alam niyang nasaktan ito. "Sa loob tayo." Sumunod siya. Ipinaghila ito ng upuan. Inalalayan. Kasi sabi ng kapatid niya, kailangan niya ng pogi points. Kahit alam na alam niya din na hindi nadadaan sa ganun si Julie. Kasi iba ito. Ibang iba. "Moe, kailangan nating mag usap," seryosong sabi nito. "Uhm… kain muna tayo?" mahinang sagot niya. Kinakabahan siya. Pero hindi na siya nagtaka. Kasi ganun naman palagi. Kapag kasama niya si Julie, palagi na lang siyang kinakabahan. "Moe, ano bang nangyayari?" walang paligoy ligoy na tanong nito. “Bakit ba ang kulit kulit mo lately?" "Sinabi ko naman sayo, di ba? Namiss kita," seryoso niyang sagot. Dahil yun ang totoo. Dahil wala nang ibang laman ang isip niya kundi ito. Dahil hindi na siya makatulog nang maayos. Dahil sa lahat na lang ng bagay, ng lugar, ng pagkain, ng kanta… si Julie ang naiisip niya. Dahil hindi na pala siya sanay na hindi ito kasama. "Ah ganun? Kaya ayaw mo kong tantanan? Kaya hindi ka na tumigil sa kakatawag at kakapadala ng kung ano ano. Akala mo ba tuwang tuwa ako? Ha?" galit na sabi nito. "Tinatawagan kita kasi gusto kitang makausap. Kasi namimiss ko ang boses mo." "Nagsasayang ka lang ng oras. Tsaka busy ako." "Busy? O umiiwas?" "Bakit naman kita iiwasan? Utang na loob." "Eh bakit ka galit?" "Eh bakit ka ba kasi ubod ng kulit?" "Masama bang suyuin ka?" "Bakit, sinabi ko bang ligawan mo ko?" "Ha? Ligawan?" Natigilan ito. Yumuko. Namula. At biglang hindi na naman makatingin sa mga mata niya. Hindi na niya napigilang ngumiti. Yung ngiti na tipid na tipid muna hanggang sa lumaki nang lumaki. Hanggang sa wala nang nagawa ang kausap niya kundi ang umismid at pandilatan siya. "Excuse me, Jules, but did you just say ligaw?" pagtukso niya dito. "Eh para saan yung mga bulaklak?" "Akala ko kasi may sakit ka." "Eh yung mga pagkain? Yung araw araw na supply ng chocolates?" "Palagi ka kasing nagti-tweet na gutom ka." "Tseh!" "Hahaha. Galit ka na niyan?" Kung nakamamatay lang ang kilig, kanina pa siya natuluyan. Kilalang kilala niya na kasi si Julie. At yung mga salitang lumalabas sa bibig nito, iba sa ipinahihiwatig ng mga mata nito. Yung mga matang nagsasabi ng, ‘Nagustuhan ko lahat ng ginawa mo. At namiss din kita.’ "Wag mo nang uulitin yun. Ang dami dami nang nagtatanong." "Let them ask. I’m ready to answer." "Ready to answer ka diyan. Neknek mo." "Seryoso nga." "Shut up." "Julie," bulong niya sabay abot ng kamay nito. “Seryoso ako." "Ako din. Seryoso ako. Tigilan mo na yang pangungulit mo." "Eh bakit ka nanginginig?" Marahan niyang pinisil ang palad nito na sobrang ginaw. At napangiti na naman siya kasi alam niya kung anong ibig sabihin nun. Hindi lang siya ang kinakabahan. Pareho sila. "Eh kasi.. kasi…" "Aminin mo na kasi. Tuwang tuwa ka din sa effort ko. Di ba?" "Of course not," mahinang sabi nito na ikinatawa na naman niya. "Haha. Denial queen. Stop pushing me away, Julie. Nagpaalam na ko sa parents mo. Okay na." "Pwes, sakin hindi pa." "Ayaw mo?" Isang minuto. Tatlong minuto. Ang tagal bago ito nakasagot. Sa sobrang tagal, nadoble ang kaba niya. Sa sobrang tagal, bigla na naman siyang nagduda. Na baka siya lang naman tong nag iisip na karapat dapat siya. Na baka siya lang naman tong nagpupumilit na maibalik yung dating sila. "Ang tagal nating nagkasama noon, Moe. Sobrang tagal. Pero kahit minsan… kahit minsan, Elmo… hindi kita nakitaan ng ganitong effort." "Iba ang sitwasyon natin noon, Julie." "Eh bakit ngayon? May nag iba ba? Wala naman, di ba? Ganun pa din naman eh. Indecisive ka pa din. At ako pa rin yung hopeless romantic na naniniwala na pwede pa tayong magkaroon ng happy ending." "Pwede pa rin naman, Julie. Mahal mo pa ko, di ba?" Di niya alam kung saan siya humugot ng lakas ng loob para itanong yun. At hindi rin niya alam kung saan siya kumuha ng lakas para tahimik na maghintay sa sagot ng dalaga. "Julie. Answer me. Mahal mo pa ko, di ba?" "Ayoko na. Hindi na pwede," mabilis na sagot nito sabay tayo. Hindi na siya nakagalaw. Pinagmasdan na lang niya itong naglalakad palayo, hanggang sa wala na siyang makita. Hanggang sa naramdaman na lang niya yung mukha niyang unti unting nababasa. "Damn." Hindi siya dapat umiiyak. Hindi siya dapat nasasaktan. Pero pakiramdam niya ng mga oras na yun, mamamatay na siya. Na ikamamatay niya ang tuluyang pagkawala ng taong mahal niya. "Mahal na mahal kita, Julie. Kulang pa ba yun?" "Ang drama mo, Elmo. Alam mo ba yun?" Muntik na siyang mahulog sa upuan nang makita itong nakatayo sa likod niya at nakangiti, na parang yung pag iyak niya ang pinaka nakakatuwang bagay sa mundo. "Sipon mo, tumutulo." "Damn it, Julie. Bakit ka pa bumalik?" "Naalala ko kasi na iyakin ka." "What?" "Sabi ko, tahan na. Wag ka nang umiyak. Joke lang yun," bulong nito sabay haplos sa pisngi niya. "If this is a joke, I’m not buying it," sagot niya dito. Tinitigan niya ito, siniguro na hindi na ulit ito makakawala sa paningin niya. "Sorry. Iyakin ka pala talaga." "Hindi ako nakikipagbiruan, Julie. Ikamamatay ko pag nawala ka ulit." "Haha. Halika nga dito," sabi nito sabay hila sa kanya. Hindi na naman niya napigilang umiyak. Kasi nung yakap na siya nito, nawala na lahat ng kaba. Nakalimutan na niya lahat ng problema. Silang dalawa na lang. Wala nang iba. "Ang dami mong arte eh," bulong nito sa kanya habang mahigpit pa ding nakayakap. "Akala ko ayaw mo na talaga sakin." "Pwede ba yun?" "You scared me." "Sorry na." "No. I’m sorry. I love you." "Haha. Halika na nga." "No. Let’s just… stay like this for a while. Namiss kitang yakapin." "Hindi pwede. Ihahatid mo pa ko sa bahay." "Talaga? Pwede na?" "O, yang ngiti mo. Pakibawasan. Baka kiligin ako." "Haha. Pakiss nga." "Elmo, sa susunod na gusto mo kong halikan, wag ka nang nagpapaalam. Ang awkward eh. Tsaka hindi naman na kelangan kasi nga di ba, love mo ko tapos love din—" Hindi na siya nagpaawat. Hinalikan niya ito. At nanlambot na naman ang mga tuhod niya nang unti unti itong tumugon. Sino ba kasing nagsasabi na wala silang happy ending? Imposible yun. Mahal siya ni Julie. Mahal niya si Julie. At silang dalawa lang. Hanggang sa huli.
Posted on: Mon, 08 Jul 2013 18:31:04 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015