Balitang Abroad 21 Nov.2013 Pinoy patay sa flashflood sa - TopicsExpress



          

Balitang Abroad 21 Nov.2013 Pinoy patay sa flashflood sa Riyadh Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may isang Filipino na namatay sa isang vehicular accident bunsod ng pananalasa ng flashflood sa Riyadh. Tumanggi si DFA spokesman Raul Hernandez na tukuyin ang pagkakakilanlan ng 40-anyos na truck driver na Pinoy hangga’t hindi pa nababatid ng pamilya nito sa Pilipinas. Nabatid na ipinaalam ng Filipino community leader sa Ha’il sa nasabing bansa na naaksidente ang tatlong Filipino habang sakay ng truck nang tangayin ang sinasakyan ng mga ito ng rumaragasang flashflood. Masuwerte namang nakaligtas ang dalawang Pinoy na hindi man lamang nasugatan habang minalas na masawi ang driver na kasama ng mga ito. Kasalukuyang nakikipag-ugnayan na umano ang embahada sa employer ng nasawing Pinoy habang inihahanda ang pagpapauwi sa bangkay nito. (Noel Abuel) via abante news Blue@
Posted on: Wed, 20 Nov 2013 17:10:39 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015