Balitang Abroad Mag-amang Pinoy na nagpapautang sa UAE, - TopicsExpress



          

Balitang Abroad Mag-amang Pinoy na nagpapautang sa UAE, timbog Kinasuhan sa korte ang isang Filipino at anak nito na sangkot umano sa pagpapatakbo ng loan racket kaugnay ng ilegal na pagpapataw ng 10 porsyentong komisyon. Ayon sa ulat, kinasuhan sa Dubai Court of First Instance ang ‘di nakilalang mag-amang Filipino na isang 65-anyos na barbero at anak nitong 36-anyos dahil sa umano’y pagpapautang sa ilang kakilala ng mga ito. Naghain namang ng not guilty plea ang nasabing mga Filipino at itinanggi ang alegasyon ng mga ito. Lumabas sa ulat na dinakip ang mga ito noong nakalipas na Mayo 2 sa Jumeirah Beach Road habang nagwi-withdraw sa isang automated teller machine (ATM) gamit ang 10 credit cards. Nabawi rin ang 24 credit cards sa pag-aari ng iba’t ibang tao at Dh21,000 cash. Sa pag-iimbestiga ng pulisya, inamin umano ng anak ng barberong Pinoy na ginagamit nito ang credit cards bilang guarantee sa mga nangungutang kapalit ng 10 porsyentong komisyon. Nagsagawa rin ng operasyon ang pulisya sa bahay ng mga ito kung saan nakuha sa pag-iingat ng mga itong Dh60,000 cash at 324 credit cards na pag-aari ng ibang tao. ««« Admin VOI_SERVANT »»»
Posted on: Sat, 09 Nov 2013 18:19:55 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015