Balitang balita: Yaya kay Napoles... Abuso na! Sobra at abuso na - TopicsExpress



          

Balitang balita: Yaya kay Napoles... Abuso na! Sobra at abuso na ang pag-aaruga ng gobyerno kay Janet Lim-Napoles lalo na kung papayagan nito ang kanyang kahili- ngan na magkaroon ng yaya sa loob ng kanyang selda sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna. Ito ang reaksyon ni Akbayan partylist Rep. Ibarra Gutierrez ukol sa kahilingan umano ni Napoles na magkaroon ng sariling yaya sa loob ng bungalow na pinagkulungan sa kanya sa nasabing kampo. Ayon kay Gutierrez, nauunawaan pa umano nito ang mahigpit na seguridad na ibinibigay sa kanya ng gobyerno kaya mismong si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas ang tumiyak na ligtas itong ibiyahe sa Camp Crame. Ayon naman kay Bayan Muna partylist Rep. Neri Javier Colmenares, sinabi nito na walang karapatan si Napoles na makulong sa Fort Sto. Domingo kaya mas lalo itong walang karapatan na magkaroon ng yaya. Nag-inarte Ayon naman kay Bayan Muna partylist Rep. Carlos Zarate, nag-iinarte si Napoles dahil nasanay ito sa marangyang buhay na mula sa kaban ng bayan, kaya hindi umano dapat magpadala dito ang gobyerno. Korte na ang bahala Samantala, ipinauubaya na ng Philippine National Police (PNP) sa korte ang bola kaugnay ng kahilingang ito ni Napoles na itinuturong utak ng P10B pork barrel scam.
Posted on: Fri, 06 Sep 2013 01:23:37 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015