Benepisyo ng foreign workers, pinaplantsa sa California.. - TopicsExpress



          

Benepisyo ng foreign workers, pinaplantsa sa California.. Inaasang magkakabisa na bago matapos ang taon ang panukalang batas na naglalayong mabigyan ng proteksyon at karampatang benepisyo ang mga domestic worker sa California. Ito ay matapos na ipasa sa California State Senate ang California Domestic Worker Bill of Rights o ang AB 241. Hinihintay na lamang ang pirma ni Governor Jerry Brown na nag-veto sa kahalintulad na bill ng nakaraang taon bago ito agarang maisakatuparan. “This vote gets us one step closer to extending equal labor rights to domestic workers in California,” ayon sa Filipino Migrant Center. Sa kasalukuyan ay nasa 200,000 ang domestic workers sa California at libu-libo rito ay mga Filipino, ayon sa Filipino Migrant Center. Sa ilalim ng nasabing panukala, ang mga domestic worker kagaya ng caregivers, nannies, at housekeepers ay tatanggap ng karagdagang sahod kapag nagtrabaho ng mahigit sa siyam na oras sa isang araw. yeh
Posted on: Mon, 16 Sep 2013 08:51:50 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015