Beyond my Wonderland by Eijei Meyou (Chapter 1-10) Starring: - TopicsExpress



          

Beyond my Wonderland by Eijei Meyou (Chapter 1-10) Starring: Julia Montes as ‘Lia Marie Montesaryo’ Loading... “If I won’t be able to get the job, it’ll be your fault!” bulyaw ko sa lalake na pahara-harang sa daraanan ko at sumisipul-sipol pa. Nag-overtake na ako. Pagkapasok sa kwarto na gaganapan ng job interview ay nakahinga ako ng maluwag. Wala pang tao! Yes! Sa table ay nakita ko ang pangalan ng CEO: Keene Endrew Narcisso. “Sosyal ng ‘Endrew’ niya, ha,” di ko mapigilang ikomento. Maya-maya ay narinig kong bumukas yung pinto. Diniretso ko ang likod ko at inihanda ang ngiti para sa future boss ko. Dapat maganda ang first impression niya sa akin! “Good morning, si---“ “So, I guess it would be really my fault if you won’t get this job,” at prenteng naupo siya sa swivel chair kung saan naroon ang mga katagang “CEO: Keene Endrew Narcisso.” Napalunok ako. Welcome to my not-so-wonderland. *** A Julia FanFic! I love her sooo much! Ow-kay fine, a Julia Fanfic lang talaga siya. Isa po itong insert-your-dream-guy-beside-Julia story. +++ [BMW1] Lia’s POV Lakad-takbo na ang ginagawa ko sa loob ng bahay habang binu-butones ang panlabas na damit ko. Sabi ko naman dun sa alarm clock na gisingin ako eh! Kinausap ko pa nga ang baterya nun na sana gumana muna kahit hanggang sa araw lang na ito kasi importante ang pupuntahan kong job interview! Lumabas ako ng bahay---pagkatapos ay bumalik din ako sa loob ng bahay, nakita ko ang kuya kong adik, “kuya! 20 mo nga muna, pamasahe lang!” Wala talaga akong kapera-pera, kung di ako nagkakamali ay 40 pesos lang ang laman ng wallet ko na tanggal na ang zipper. “Wala! Pang-inom na lang namin to ng tropa, eh!” sagot sa akin ni Kuya Aldrin, lasenggo talaga. “Ate, oh,” may humila-hila sa laylayan ng paldang suot ko. Nakita ko si Iyyam, ang pitong taong gulang kong kapatid, may iniaabot sa aking 20 pesos na gusut-gusot pa, “thank you talaga, Iyyam, pag itong trabahong to ay nakuha ko, kakain tayo ng unlimited ice cream sa Mcdo!” Alam kong bigay yun ni mama, pinaaabot lang kay Iyyam. Dali-dali akong tumakbo palabas ng bahay. “Oras... anong oras na...” usal ko habang nakasakay sa jeep, 7:49 na! 8 am ang schedule ng interview ko. Ilang linggo na rin akong natengga sa bahay, kailangan ko na talaga ng trabaho dahil kung hindi, puputi na ang mga mata namin sa dami ng utang namin! “Kuya, bayad po!” iniabot ko ang twenty pesos, habang naghihintay ng sukli ay hinalughog ko sa magulo kong bag ang cellphone kong elastic technology. Oo, elastic kasi may plastic na nakapalibot para di matanggal ang cover sa likuran. Yung lumang version kasi ng nokia ang cellphone ko na napulot ko lang sa daan nung college pa ako. “Miss, sukli mo,” sabi ng babaeng katabi ko. Inabot ko naman agad. Binilang ko yung sukli ko. Bakit 6 pesos lang?! Dapat 7 to! “Kuya, kulang po yung sukli!” sabi ko. Di naman yata tama to! Ipagtatanggol ko si Gat Jose Rizal dahil ipinagtanggol din niya ako noong kapanahunan niya! “Ilan ang kulang, miss?” tanong naman ni manong driver na pinasadahan pa ako ng tingin. “Piso po,” sagot ko. Nakita kong lahat ng mga taong nasa jeep ay napatingin sa akin at ang mga nakasulat sa mga mukha nila ay “Piso lang, kukunin mo pa?” “Miss, piso mo,” sabi na naman ng babaeng katabi ko. Good! Dapat ganito, wag mangungupit. Wala akong pakialam sa iniisip ng iba! Basta sa akin lang, ibalik ang dapat ibalik! Pagbaba ko sa unloading zone sa harap ng Narcisso Inc., ay diretso na ako sa pedestrian lane. Pumasok agad ako sa gusali. “Ahy kabayong pink!” sambit ko habang binababa ang tumaas kong pencil-cut palda noong masabit ang takong ng suot kong sandals. Nakita kong nakangiti si Kuya guard, “manong ha, yang railings na yan, patanggal mo na. Sisirahin ang maganda kong legs eh.” “Opo, maam, marami na nga rin ang nabiktima niyan pero sa lahat naan ng magiging biktima, ikaw ang pinaka-grabe, sayang naman ang legs,” walang kamanyakang sabi ni Kuya guard. Nag-bow muna ako sa kanya bago muling lumakad-takbo papuntang front desk. “Good morning, ma’am,” bati sa akin nung receptionist. “Hello. Ano po kasi---“ hingal, “ako po yung naka-schedule na ma-i-interview---“ hingal, “Pwede pa po ba?” “Ah, yes. Umakyat ka na lang sa 9th floor, makikita mo doon ang private room ni Sir Narcisso.” Pagkatapos yung sabihin ng receptionist ay agad akong nagtungo sa elevator. “Good vibes! Good vibes!” pumikit pa ako at sinandal ang likod ng ulo sa malamig na haligi ng elevator. “Anong floor, miss?” Ang babait ng mga tao ngayon! “9th floor. Thank you,” binigyan ko ng ngiti ang lalakeng nagtanong sa akin ng floor na pupuntahan ko. Gwapo! Inspiration! “Ah, good vibes!” “Haha. Having an interview with the big boss?” “Uh, yes.” “Goodluck. Wag kang mag-alala, mabait si boss.” Dahil sa sinabing iyon ni ‘uherm’, napangiti ako at medyo nabawasan ang kaba sa dibdib ko. “Archie Lopes. Call me ‘Arc’,” nilahad sa akin ni Arc ang palad niya. Waah! Good vibes na talaga to! “Lia Marie Montesaryo. ‘Lia’ na lang.” Tinanggap ko yun. Ayos naman. May kakilala agad ako sa future job ko! Hay dapat talaga ganito! -Ting- 6th floor na. “You can do that, bye. See you around the building,” bago lumabas si Archie. Mehgahd! Nginitian niya ako! Ang gwapo! Dapat lang talaga akong makapasok dito kasi may gwapo na akong kakilala... hmm. I wonder if gwapo din ba ang magiging boss ko. Pero sa tingin ko, hindi eh. Baka nga hukluban na iyon, matanda na, malamang. Eh ang yaman kaya niya, baka nga may asawa na at sampung anak sa iba’t ibang babae eh. “Hay, ano ba ang iniisip ko! Good vibes!” pumikit ako at sinandal ang ulo ko sa malamig na haligi ng elevator. 7th floor... 8th floor... Waaahh! 9th floor! “Kaya mo to, Lia. Ikaw pa na anak ni Cuystodia! Ikaw na pangalawang anak nina Cuystodia at namayapa mong ama na si Osmeño! Gora ka na!” pagpapalakas ko sa loob ko. Tingin sa left and right bago tuluyang lumabas. Walang tao. Buti naman, di nila makikitang nanginginig ako. “Asan ba dito ang opisina ng CEO? Psh!” ang lawak-lawak ng floor na iyon. Kumaliwa ako sa dulo ng hallway. Baka doon ang daang papunta sa opisina ng CEO. May nadaanan akong salamin. Waaah! “Ang haggard ko!” inayos ko pa muna ang buhok kong di ko na pinony-tail. Bahala na! Maganda pa rin naman ako. *Whistle, whistle, whistle* Mula sa isang pinto ay may lumabas na isang lalakeng naka-long sleeves. Nakatupi yun hanggang siko. Nakasuksok ang mga kamay niya sa bulsa ng slacks niya. Prenteng prente pa siyang naglalakad. Masikip lang ang hallway na iyon. Paglagpas ko sa pintong nilabasan ng lalake ay napag-alaman kong CR pala iyon. Aah. Baka empleyado. “Ahm, excuse me...” sabi ko sa lalake. Di ko makita ang mukha eh, ang tangkad kasi. Kaloka lang. Bakit ba hindi ako nabiyayaan ng katangkaaran?! Di man lang ako nilingon ng lalake. Pasipul-sipol pa siya. Sumilip ako sa gilid ng lalake, Hayun! Nakita ko! ‘Office of the CEO’ ang nakalagay doon. Yes! Malapit na ako! Pero baka late na ako! “Excuse me po...” wa reak pa rin! Hello! May tao po dito! Tumingin ako sa orasan ko. Taehnah! 8:06 na! Waaah! Inabot ko ang balikat ng lalake at pinigilan ko siya sa paglalakad, “If I won’t be able to get the job, it’ll be your fault!” bulyaw ko sa lalake na pahara-harang sa daraanan ko at simisipul-sipol pa. Nag-overtake na ako. Nakakainis siya! Pwede namang sulyapan niya ako para makadaan ako. Kung alam lang niya sanang ikamamatay ko kapag di ko nakuha ang trabahong yun! Agad akong tumakbo papasok sa kwarto. Yuhoo! Wala pang tao! Ibig sabihin, mas maaga pa rin ako sa boss. May pag-asa pa rin akong makuha! Yehey! Sa table ay nakita ko ang pangalan ng CEO: Keene Endrew Narcisso. “Sosyal ng ‘Endrew’ niya, ha,” di ko mapigilang ikomento. Pangalan pa lang, pang-mayaman na. Hay, sayang, matanda na siya. Maya-maya ay narinig kong bumukas yung pinto. Diniretso ko ang likod ko at inihanda ang ngiti para sa future boss ko. Dapat maganda ang first impression niya sa akin! Kahit naman siguro matanda na siya, marunong pa rin siyang tumingin ng mga magaganda. Katabi ng table ng CEO ay isang mas maliit na table. Hula ko ay yun ang magiging table ‘KO.’ Oo, akin na yun ngayon. Nakangiti pa rin ako ng marinig kong bumukas yung pinto. Nandito na ang boss! “Good morning, si---“ “So, I guess it would be really my fault if you won’t get this job,” nakasunod na lang ang tingin ko sa kanya hanggang sa maupo na siya sa swivel chair kung saan naroon ang mga katagang “CEO: Keene Endrew Narcisso.” Napalunok ako. Welcome to my not-so-wonderland. Lagot ako! +++ [BMW2] Lia’s POV Kanina pa ako lunok ng lunok habang ginigisa ako sa tingin ni Mr. Keene Endrew Narcisso. Lahat ng imahinasyon ko sa kanya kanina ay bumaliktad. Gwapo siya. Batang-bata. Mukhang single. Walang sampung anak sa iba-ibang babae. Uwaah! Binata siya! Totoo! At siya ang lalaking nabulyawan ko kanina! Uwaah! This can’t be happening! Hindi to maaari! Paano na lang ang unlimited ice cream na pinangako ko kay Iyyam? Ang pagtatanggol ko sa piso sa jeep kanina? Ang pagkatapilok ko sa entrance kanina? At paano na lang ang mga gwapong nilalang na makikita ko dapat araw-araw sa Narcisso Incorporated?! “So---“ “Di ko po sinasadya, sir. Ano po kasi--- bakit ba kasi kayo magsi-CR pa sa labas kung meh CR naman kayo dito sa loob ng office niyo, hindi po ba? Tapos na-late lang po ako kasi ma-traffic. Sinabotahe pa ako ng alarm clock ko kasi di ako nakabili ng baterya, mahal po kasi, 20 pesos isa. Tinapilok din po ako ng railings ng entrance niyo, sir, malapit pa tuloy magasgasan ang legs ko na mahilig sa shorts. Sir, sorry na! Sorry na po!” ano pa ba ang nakalimutan kong sabihin? Uwaah! “Sira ang gripo sa CR ko.” Nginisihan niya ako, “you’re really willing to get this job?” “More than willing pa po, sir.” Sayang din naman kasi! Personal assistant ang a-apply’an ko. Malaking sweldo din iyon noh, sayang din ang pinag-aralan ko kung di ko lang din naman magagamit. Ayoko namang mahulog na lang sa pagiging saleslady sa palengke noh. Pinasadahan niya ng tingin ang resumè ko. “’Lia Montesaryo.’ 24? You don’t look like one. Hmm. Pangalawa sa tatlong magkakapatid? Nice.” Binalik na niya sa akin ang resumè ko. “Bakit?” tanong ko agad. “What ‘why?’” “Bakit mo po binalik?” naiiyak na ako. “You’re hired.” *pikit-mulat* “Po?” “You heard me right. I won’t repeat myself.” “Thank you po, Sir! Salamat po! Salamat talaga!” mula sa kinauupuan ko ay dinukwang ko siya. Grabeh! Ang saya-saya ko! Bahala na kung ano pang isipin niya sa akin basta may panlibre na ako ng unlimited ice cream kay Iyyam! “Ops, sorry, bro.” Napatayo ako ng tuwid. Bigla kasing bumukas ang pintuan ng office at may nakasilip na lalake. Mukhang barkada ni Sir. “Sorry po, sir. Sorry po.” Nakakahiya. (>ω
Posted on: Sat, 06 Jul 2013 02:13:37 +0000

Trending Topics



; min-height:30px;"> Fresh and Ripe Strawberry Patch White Barn New York Wallflowers
Entendendo o que é um Fundo de Investimento em Participações
le="min-height:30px;">
A Guide to Sensible Grading Practices In today’s world of

Recently Viewed Topics




© 2015