Bigay nalang ako ng mga tips galing sa tatay kong naging taxi - TopicsExpress



          

Bigay nalang ako ng mga tips galing sa tatay kong naging taxi driver din. Ito yung mga dapat nyong gawin pagsakay o bago sumakay man lang. 1. Tignan ang driver kung maayos (hindi sabog ang mata na parang nakadroga/nakainom, naka POLO na dapat naman talagang damit nila) Plate number at pangalan ng taxi isave o itext mo narin. 2. Pag nakapasok ka na, isara mo yung pinto at subukan mo ulit buksan (may modus din sa taxi na pagsara mo, di mo na mabubuksan kasi nasa labas lang ang bukasan) 3. Pag nagsabi ka ng destinasyon mo, magsabi ka kung san kau dadaan. Kesyo matrapik pa yan o saradong kalsada karapatan mong masunod dahil magbabayad ka naman. Ngaun, kung hindi mo nman talaga alam pupuntahan mo eh matuto kang makatunog. Kung puro eskinita nalang lagi dinadaanan nyo at tingin mo eh malayo na, magsalita ka na. 4. Pagbumaba ka tignan mo yung inupuan mo kung may naiwan ka. Kasi bihira nalang ang mattinong driver na mag aabalang isoli ang naiwan mo. 5. Kung matinong driver naman nasakyan mo, matuto ka naman magpasalamat sa paraan na wag mo nang kunin yung P10 o P20 na sukli. isang paraan yun para maramdaman ng driver na sa MARANGAL na pamamasada eh nabibiyayaan sya ng pasahero nya. - Jay Dandan
Posted on: Sun, 03 Nov 2013 16:30:36 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015