Bilang ng patay dahil sa bagyong Labuyo, umakyat na sa 7; pinsala, - TopicsExpress



          

Bilang ng patay dahil sa bagyong Labuyo, umakyat na sa 7; pinsala, nasa P816-M Written by Jun Mendoza Published in Latest News Wednesday, 14 August 2013 11:51 Pumalo na sa mahigit P816-million ang inisyal na halagang pinsala na iniwan ng bagyong Labuyo sa pananalsa nito sa northern Luzon. Sa ulat ngayong tanghali ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Reynaldo Balido, pinakamalaking bahagi umano nito ay mula sa lalawigan ng Aurora at Quirino. Idinetalye pa ng opisyal na sa Aurora province, umaabot na sa halos P100-million ang pinsala sa infrastructure habang mahigit P180-million naman ang nawala sa Quirino sa halaga ng mga nasirang palay, mais at mga high-value crops. Samantala, umakyat na sa pito ang kabuuang death toll dahil sa bagyo. Nadagdag aniya sa listahan ang narekober na bangkay ng babae na tinangay ng tubig-baha sa bayan ng Jones, Isabela. Maalala na nakuhanan pa ng video ang biktima na kinilalang si Benny Labio habang naka-upo sa ibabaw ng bubong ng kaniyang bahay. Sa kabila nito, tiniyak ng opisyal na tuloy-tuloy na ang ginagawang relief operations ng mga otoridad. Sa katunayan aniya, pinag-aaralan na nila ang posibleng pagbaba ng alert level hinggil sa ginagawang operasyon. "Yes, tuloy-tuloy na ang ating operations. Sa katunayan, malaking areas na ang napasok ng ating DSWD sa pamamahagi ng mga relief goods. Sa mga kalsada naman, sinabi ng DPWH na within the week ay matatapos na rin nila ang kanilang trabaho," dagdag ng opisyal. - admin t-021
Posted on: Wed, 14 Aug 2013 04:14:47 +0000

Trending Topics



30px;">
Obituary Virginia Annette Kelly February 18, 1959 – July 5,
Yesterday afternoon we said goodbye to our beloved cat Scout. He
Atacaron a Justin: Todo sucedió a las 3 de la mañana en un club

Recently Viewed Topics




© 2015