Biyernes, Hunyo 28 Sanayin mo ang iyong sarili na ang tunguhin mo - TopicsExpress



          

Biyernes, Hunyo 28 Sanayin mo ang iyong sarili na ang tunguhin mo ay makadiyos na debosyon.—1 Tim. 4:7. Mga elder ang nangunguna sa pagsasanay sa mga lalaki para makaabót ng pribilehiyo. Totoong makatutulong ang iba, pero ang brother mismo ang may pananagutan sa pag-abot sa pribilehiyo. (Gal. 6:5) Siyempre, hindi naman kailangang ministeryal na lingkod o elder ang isang brother para makatulong sa iba at lubos na makibahagi sa ministeryo. Pero para magkaroon ng pribilehiyo sa kongregasyon, may mga kuwalipikasyon sa Kasulatan na dapat maabot. (1 Tim. 3:1-13; Tito 1:5-9; 1 Ped. 5:1-3) Kaya kung gustong maglingkod ng isang lalaki bilang ministeryal na lingkod o elder pero hindi pa siya nahihirang, mahalagang alamin niya kung ano ang dapat niyang pasulungin. Kasama rito ang regular na pagbabasa ng Bibliya, masikap na personal na pag-aaral, taimtim na pagbubulay-bulay, taos-pusong pananalangin, at masigasig na pakikibahagi sa ministeryo. w11 11/15 5:15, 16
Posted on: Fri, 28 Jun 2013 00:20:26 +0000

Trending Topics



t see through the fogged-up
A FRESH New Opportunity with an Iconic Health & Beauty Product
LAMOILLE COUNTRY FAIR, Sunday, June 29th from 8am to 4pm. For more

Recently Viewed Topics




© 2015