Biyernes sa Ika-26 ng Taon,Lk 10:13-16 “St. Francis of - TopicsExpress



          

Biyernes sa Ika-26 ng Taon,Lk 10:13-16 “St. Francis of Assisi” Posted by veritasadmin on Friday, October 4, 2013 · Leave a Comment Reflections BAGONG UMAGA Purihin ang Diyos sa pagdiriwang natin ngayon ng Kapistahan ni San Francisco de Asissi, patron ng kapayapaan at kababaang-loob. Kilala si San Francisco sa kanyang radikal na pagtalikod sa kayamanan para yakapin ang buhay ng karukhaan, at italaga ang sarili sa paglilingkod sa Diyos at sa Simbahan. Sa ilalim ng kanyang inspirasyon nais isunod ni Pope Francis ang kanyang buhay-paglilingkod sa pamamagitan ng kanyang halimbawa. Atin nang pakinggan ang Mabuting Balita ayon kay San Lukas kabanata sampu, talata labintatlo hanggang labing-anim. GOSPEL Reflections Ang pagninilay natin sa araw na ito, mula pa rin sa panulat ni Cleric Vicente Baracina ng Society of St. Paul. Mahirap sa ating maunawaan ang malalim na dahilan ng mga bagay-bagay kapag tayo’y nasa kasaganaan. Naalala ko pa noong aking kabataan, kalimitang sinasabi ng aking ama, “Noy, huwag masyado ubos-ubos ng biyaya, anumang bagay na madaling makuha, madali ring naglalaho, maging kuntento sana tayo sa kung anong meron tayo.” Mga butil ng karunungang hitik sa natatagong kahulugan. Sa narinig nating ebanghelyo, hindi nakapagtataka kung bakit ang mga kilalang bayan ng Corazin, Betsaida at Capernaum noong kapanuhunan ni Jesus, hindi Siya maunawaan. Sinasabing sa mga bayang ito ginawa ni Jesus ang marami sa Kanyang mga himala, pero nakalulungkot isipin na sila pa ang mga mapagmataas, matigas ang puso at walang pagsisisi. Marahil itatanong n’yo, ano nga ba ang tunay na kaligayahan at saan ito nanggagaling? Tatlong bagay ang pwede nating pagnilayan tungkol dito: Una, ugaliin nating maging masinop at huwag mapag-aksaya; ikalawa, anumang bagay na madaling makuha, madali ring naglalaho; at ikatlo, maging kuntento sana tayo sa kung anong meron tayo. Sa pagiging masinop, napapakinabangan natin ang mga bagay na maaari pang gamitin. Kaya hindi na tayo naghahanap ng iba-iba at nagiging kuntento tayo sa kung anong meron lamang tayo. Dahil sinasabi natin, na sinumang tao ang maraming pangangailangan at hindi marunong tumanggap sa kung anong meron siya, natitiyak natin na siya’y malungkot at walang kapayapaan sa kanyang kalooban. Hahanapin niya ang mga bagay-bagay na magkapagbibigay sa kanya ng panandaliang aliw lamang. Mga kapatid, hindi ito ang sinasabi ng ating Panginoon na kaligayahang walang hanggan at ganap sa piling Niya. Sinasabi nga ng PCPII na “walang sinumang taong napakayaman na wala nang pangangailangan at walang sinumang tao na sobrang mahirap ang wala ng maibibigay.”
Posted on: Fri, 04 Oct 2013 05:35:55 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015