“Breaking up with someone who you still love, but you’re just - TopicsExpress



          

“Breaking up with someone who you still love, but you’re just too tired to hold on” Nakipagbreak ka sa isang taong alam mo, deep inside. Mahal mo pa. Pero hindi mo na kayang ipagpatuloy pa, kasi nga pagod ka na. Pagod ka na saan? Pagod na sa lahat ng issue. Pagod na sa lahat ng tamang hinala niya, pagseselos niya na wala namang basehan. Pagod na sa pakikipagtaasan niya ng pride sayo. Pagod na sa walang kwentang pakikipagaway. Pagod na sa bawat panunumbat niya. At pagod na sa bawat pagsisinungaling at panloloko niya. Napagod ka ng lubos kaiintindi sa lahat ng reasons niya kapag nagkakamali siya. Hindi dahil siya lang ang nagkakamali, kundi dahil pauli ulit na lang niyang ginagawa kung ano man yung bagay na wala namang naidulot sa relasyon niyo kundi ang magaway. You see, mahal mo pa siya pero hindi mo na kaya. Mahal mo pa siya, pero tingin mo hindi na talaga maayos ang lahat. Mahal mo siya pero ayaw mo ng masaktan at the same time ayaw mo ng manakit. Mahal mo pa siya pero hindi na talaga pwede. Mahal mo pa siya, pero nakakapagod na. Kaya eto, pinakawalan mo siya kahit mahal mo pa siya namimiss mo siya pero wala ka ng magagawa. At nahihirapan kang makausad kasi nga.. MAHAL MO PA SIYA.
Posted on: Thu, 29 Aug 2013 09:06:05 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015