Buong Pacific Command sumaklolo sa Yolanda victims Nangako si - TopicsExpress



          

Buong Pacific Command sumaklolo sa Yolanda victims Nangako si US Brig. Gen. Paul Kennedy ng kahalintulad na pagtulong na ginawa ng US military sa 2004 Asian tsunami kung saan gamit ang mga helicopter ay naghatid ng tubig at pagkain sa daan-daang mga biktima sa mga baybayin dahil hirap marating ng mga awtoridad. “You are not just going to see Marines and a few planes and some helicopters. You will see the entire Pacific Command respond to this crisis,” pahayag ni Kennedy. Patunay dito ayon sa US official ang sunud-sunod na pagdating ng tulong kagaya ng Norwegian ship na may bitbit na mga supplies, Australian air force na naghatid ng medical team, gayundin ang British at American navy vessels na parating na sa apektadong rehiyon. Sa Tacloban airport ay nakatakda nang mag-set up ng clinic para masuri ang libu-libong mga tao na nakaantabay para makaalis ng siyudad. Dumating na rin sa Tacloban ang supply ng antibiotics at anesthesia na ilang araw nang inaantabayanan para magamit sa mga pasyenteng namimilipit sa sakit dahil sa mga tinamong pinsala sa trahedya. Samantala, pumalo na sa 2,344 ang naitalang patay ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) habang nasa 365 ang nasugatan at 80 iba pa ang nawawala. abante-tonite/issue/nov1413/news_story10.htm#.UoSxSb7n85s
Posted on: Thu, 14 Nov 2013 11:18:55 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015