CAUAYAN CITY TINANGHAL NA REGIONAL CROWN Ni Rey Velasco Muling - TopicsExpress



          

CAUAYAN CITY TINANGHAL NA REGIONAL CROWN Ni Rey Velasco Muling nakapagtala ng prestiyosong parangal ang Cauayan City Government sa Ilalim ng pamunuan ni Mayor Bernard Dy matapos na makuha ang parangal na Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition o CROWN sa City category level. Tatlong taon na sunod-sunod na nakuha ang naturang parangal ng nasabing lungsod sa maganda at mahusay na pagpapatupad sa mga nutritions program. “For three consecutive years (2010, 2011 and 2012), the green banner award was maintained by the city government besting the other three cities in Cagayan Valley,” Mary Jane Yadao, special program coordinator of the city government said. Isa ito ang isa sa pinagtuunan at programa ni Mayor Dy ang pagbigay suporta sa mga nutrition program kung saan ay naglaan ng kaukulang pondo para sa feeding program sa pre-school at school children kabilang ang free health services sa mga bata na isang dahilan upang nakamit ang naturang parangal. Sa tulong ng nutrition committee members at iba pang empleyado ng departamento ng nasabing lungsod ay bumaba ay malnutrition cases sa lungsod. Ang nasabing parangal ay mismong galing kay Department of Health Secretary Enrique Ona na iginawad niya sa administrasyon Mayor Dy sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Manila. Kung saan ay mismong si Cauayan City Mayor Dy ang tumanggap ng parangal kasama ang miyembro City Nutrition Committee kung saan ay lalo pa umanong pag-ibayuhin pa pagpapatupad sa naturang programa para sa kapakanan ng mga bata dito sa nasabing lungsod. (REY VELASCO)
Posted on: Sat, 09 Nov 2013 06:50:17 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015