CLEAR IT: Ginugulo ng datingka-live in Dear Atty. Claire, Ako po - TopicsExpress



          

CLEAR IT: Ginugulo ng datingka-live in Dear Atty. Claire, Ako po ay may dating na ka-live in partner at nagkaroon po kami ng isang anak. Nagpasya kaming huwag munang magsama dahil sa bata pa po kami at walang trabaho. Habang lumalaki ang aking anak ay nasa pangangalaga siya ng magulang ng dating GF ko dahil wala pa akong pangsuporta bilang isang tricycle driver. Nagpasya po ako na magpatuloy ng aking pag-aaral hanggang ako po ay nakatapos ng kolehiyo; at nagkaroon ng magandang trabaho bilang isang OFW. Nakapagbibigay na po ako ngsuporta sa bata. Nagkaroon na rin ang dati kong GF ng bagong kinakasama sa buhay;at ibinigay sa amin ang pangangalaga ang aking anak. Naiwan ang bata sa aking mga magulang habang nasa abroad ako. Kami na po ang nagpatuloy sapagsustento sa bata. Ngunit binawi ulit ang bata sa akin atsila na raw ang magpapalaki sa bata. Patuloy pa rin akong nagpapadala ng perang panggastos sa pag-aaral ng bata sa private school ngunit nalaman po namin na ang anak ko ay pinag-aral pala sa isang public school nang hindisinabi sa amin samantalang patuloy ang paghingi ng pera sa amin ng kanyang ina. Nagalit ako sa panloloko nila kaya itinigil ko po pansamantala ang pagbibigayng pera. Muling ibinalik sa amin ang bata at tinanggap uli namin ang bata at sinuportahan siya. Nang ako po ay nagkaroon ng sariling pamilya ay muli pong binawi ang bata sa amin. Pinahinto sa pag-aaral ang anak ko ng sarili niyang ina nang walang dahilan. Ako po ay hindi nagkulang sa pagsuporta sa aking anak at nang ako po ay naka-vacationleave last year ay nakatanggap ako ng letter mula sa aming barangay na may reklamo buhat sa ina ng bata dahil hindi raw ako nagbibigay ng suporta sa bata. Nagalit ako dahil sa mgamaling paratang at kasinungalingan. Nagkaroon kami kasunduan sa barangay namin na ibabalik ulit sa amin ang bata para maipagpatuloy ang pag-aaral ng bata. Ngunit itong taon na ito ay muling binawi ang bata mula sa amin. Nagbanta pa na ako ay ipapatay dahil kaligayahan daw nila ang mamatay ako at para may makuha silang pera sa akin. Sa ngayon po nakaka-receive sila ng mga text at tawag na ipapatay ako ng dati ko kinakasama. Attorney ano po bang hakbang ang pwedeng kong gawin? God Bless you all. Sana po ay matulungan niyo po ako. Thank you po... James James, Malungkot ako sa nangyayari sa buhay mo ngunit magpasalamat ka pa rin dahil naipapakita mo sa anak mo ang pagmamahal mo sa kanya.. at iyon ang mahalaga. Sa kuwento mo ay nakikita kokung paano pabayaan ng kanyang ina ang anak ninyo. Ang dapat na iniisip ng isang ina ay ang kapakanan ng kanyang anak at hindi ang pansariling kagustuhan. Nabanggit mo na mayroon na kayong kasunduan na ibibigay sa iyo ang custody ngbata at ang kasunduan na nagawa dahil sa isang reklamo at ito ay naganap sa barangay. Ang kasunduan sa barangay ay maituturing natin na may bisa na katulad ng isang desisyon ng korte. Maaari kang magsampa ng isang “Action to Implement” upang maipatupad ang mga nakasaad sa inyong kasunduan. Sa loob ng anim na buwan mula nang hindi tuparin ang kasunduan ay maaari pang ang barangay ang magpatupad ng kasunduan atkung lumagpas na ang anim na buwan ay maaari nang magsampa ng isang action sa korte upang ang huli na ang magpatupad nito. Mas mainam na kumausap ng isang abogado na siyang gagawa ng pleading na isasampa sa korte. Kapag malaki ang inyong ebidensya sa pagpapabaya ngiyong asawa sa inyong anak ay maaari mo rin siyang sampahan ng kasong Violation of Anti-Child Abuse Act (RA 7610). Nasabi mong hindi siya pinag-aral ng walang dahilan ng kanyang ina.. ito ay isang pruweba na wala siyang pagmamalasakit sa basic needs ng inyong anak. Kung mapapatunayan mo rin ang pagbabanta nila sa iyong buhay ay maaari ka nang magpunta sa himpilan ng pulisya upang magpa-blotter upang mailagay sa kanilang record ang mga taong maaaring imbestigahan kung may mangyayari sa iyo. Maaari mo rin silang sampahan ng kasong Grave Threats. Mag-request ka na rinng Network provider mo ng records ng mga texts na natatanggap mo at itago mo lamang at huwag burahin angmga texts nila sa iyo. Kung maaari pa naming makuha sa magandang usapan ‘yan ay mas magandang maayos ang inyong problema ngunit ingatan pa rin ang iyong buhay pati na ang mga mahal mo at palagiang magdasal. Sana ay nakatulong ako sa iyo. Ang iyong lingkod, Atty. Claire Unknown
Posted on: Fri, 05 Jul 2013 05:52:39 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015