COA magsasagawa ng post-audit sa 27 barangays KORONADAL CITY- - TopicsExpress



          

COA magsasagawa ng post-audit sa 27 barangays KORONADAL CITY- ISASAILALIM sa post-audit ng Commission on Audit (COA) ang 27 na barangay sa lungsod ng Koronadal. Ayon kay State Auditor IV Eusebio C. Español Jr. na ito ay base sa ipinalabas na order mula sa Office of the Regional Director kung saan inaatasan ang audit group na magsagawa ng audit sa lahat ng barangay at magsumite ng Barangay Audit Report para sa Calendar Year 2011-2013 ng ilang piniling barangay. Ang audit sa barangay ang isinasagawa kada taon na may layuning masigurado na nagagamit sa wasto ang pera ng barangay. Inihayag naman ni Español na uunahin nito sa pag-audit ang Barangay Zone III partikularmente sa 2009 20% Development Fund dahil na rin sa natanggap nitong request mula kay outgoing Barangay Kagawad Edison Peñalosa. Si Peñalosa ay humiling ng audit sa COA matapos na hindi binigay ni Barangay Kapitan Bernardo Hinay ang mga benepisyo at honorarium nito dahil sa unliquidated cash advances nito na umaabot sa P 39,000.00. Samantala, inihayag naman ni Auditor Español na may karapatan si Kapitan Hinay na i-hold ang benepsiyo ni Peñalosa hanggang sa maliquidate na nito ang kanyang cash advance. (Arjean A. Bautista)
Posted on: Tue, 26 Nov 2013 02:04:54 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015