Chapter FORTY Lucas’ POV “My GOD! bakit ba kelangan ako - TopicsExpress



          

Chapter FORTY Lucas’ POV “My GOD! bakit ba kelangan ako pa gumanap ng Juliet?? Just because I grew up in Korea doesn’t mean I have to play the part of Juliet! TEKA!! hinde naman lumaki sa korea si Juliet ha!! Si Grace naman kasi gagawa gawa pa ng plot! OH MY GOD! And F-Y-I what does it have to do with my ‘forbidden love’??? Ako lang ba yung taong may ganung klaseng drama?? Pati bakit naman si Kenji pa?? Pwede namang si Kirby o Jigs o Axis o kung sino pang lalake sa classroom natin! BAKIT SIYA PA!! BAKIT?? GOD! OK NA KO EH.. OK NA EH!!! AAAH!!” Eto na naman si Athena. Simula nung araw na inassign siyang maging Juliet lagi na siyang nag rereklamo. Kesyo daw bakit siya eh madami naman daw pwede, bakit pa daw siya pumayag, bakit daw si Grace yung gumagawa ng plot, bakit daw si Kenji. Hinde ko na nga alam kung matatawa ako o maiirita kasi paulit ulit siya. Pero siyempre pinili ko na lang ang matawa. Hinde ko rin siya masisise kung bakit sa akin na siya madalas mag vent masyado na kasi kaming close. Umaabot na kami sa point na nag kakatablahan na kami dahil sobrang close na at sanay na kami sa ugali namin. Of course alam naman namin yung limitations namin. “LUCAS??! Are you still there??? Hello??” “Yep. Hay nako Athena. Siguro tadtad na ng wrinkles mukha mo ngayon noh? Nasan ka ba?” “YA! I don’t have wrinkles. Anyway, nasa bahay ako ngayon. Ngayon ako nagpaschedule mag pa grad pic remember?” Oo nga pala. nakalimutan ko yung mahiwaga niyang schedule. Feb 9 - grad pic. Akala ko pa naman din isa siya sa mga katulad kong kunwari lang inaayos yung schedule. Dahil kaming dalawa ni Athena yung last na magpapapicture sasabay na ako sa kanya kasi lahat sila tapos na. Naisipan kong paiksian yung buhok ko.. as in maiksi. Teka.. Parang semi kal pero hinde.. teka semi kal nga ata. Wala lang gusto ko lang i-surprise sila Athena. Para naman din maiba yung itsura ko. Mahaba rin halos buhok ko nung grade school pic eh. Grade 7.. haha those were the days. Wahaha grade 8 sila Kerbiboi nun! Palibhasa mga oldies na eh. Haha yabang ba? Hanggang grade seven lang kasi yung sa school ko dati, eh dito sila sa Southville High sila nag simula eh, kaya ayan, late na nga nagaral naggrade 8 pa. Talo pa namin nila Athena at Sara. “YA!!!!! JOOGOOLAE?!” tinanggal ko sa tenga ko yung cellphone dahil sa lakas ng boses niya Hay nako. Ayan na naman po siya. Tuwing nag kokorean siya parang nagiging gabi yung mundo ko tapos may mga kuwagong nag kukroo eh! Feeling ko ang tanga tanga ko kasi wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Kelangan ko na bang matutong mag Korean? “Bakit hinde ka nag sasalita?!?” “Athena…” “Oh?” parang naiirita yung tono ng pag tanong niya “Gusto mo bang.. sunduin na kita dyan?” “Ya.. You don’t have to..” biglang naging mahinhin naman ngayon yung tono Eto na naman ako. Bgla biglang humihirit! Minsan hinde ko mapigilan yung napakagaling kong bibig eh! Hinde ko naman pwedeng pabayaan na lang na ganito yung nangyayari kasi baka mabigla siya tapos layuan niya pa ako.. “Fine.. O nga pala, teacher’s day ngayon so petiks tayo after ng lunch break. Sa gym tayo nun.” sabi ko ng maayos. “Intayin mo na lang ako sa may lounge mamaya, is that ok with you?” “Do I have a choice?” “None. Oh. I have a surprise for you.. I’ll see you later ok?” Surprise? Ano kaya yung surprise niya? Baka naman pinagtritripan na naman niya ako katulad dati! Sinabi niyang may surprise siya inabutan niya ako ng pera tapos un pala mag papabili lang siya sa akin sa baba! Eh kakaakyat ko lang from lounge hanggang 4th floor nun! “Lucas.. youre not replying again.. Ayaw mo ba?” “Iitayin kita.. kahit anong mangyari iintayin kita..” “Eung. Na kkunda..” OK ALAM KO YUNG MEANING NUN! In-end ko na yung call. WAAAAAAH! Ano na naman ba yung sinabi kong iintayin kita kahit anong mangyari iintayin kita?!!! Shyet. Baka bigla niyang mahalata.. hinde pwede! Baka mailang siya Lucas.. makakaya mo ba yun? amp. Parang nung isang araw.. Tinanong niya ako kung bakit hinde ko raw tinanggap yung role nung Romeo.. hinde naman sa ayaw ko yung role at ayaw kong magparticipate sa play. Siyempre ok lang naman sa akin yun lalo na at si Athena yung partner ko, pero siyempre.. alam niyo na.. tragic love story yun.. Nung sinagot ko yung tanong niya, ang seryoso ng itsura ko tapos nakatingin ako sa mga mata niya.. “Lucas!!! Bakit ako pa yung Juliet!! Bakit si Kenji pa yung Romeo!? Bakit hinde na lang ikaw!!” napahinto siya sa pag lalakad, “Lucas.. why didn’t you take the role of Romeo..? Ayaw mo ba akong maging partner..?” “Ano ka ba. Hinde yun eh. Alam mo namang mamamatay yung dalawa sa dulo ng play diba?” tumingin ako sa mga mata niya. “Mabuti sana kung yung Romeo lang yung mamamatay eh.. pero hinde eh, pasi si Juliet. Gusto nga kitang iligtas sa lahat ng pwedeng masamang mangyari sayo tapos hahayaan lang kitang maging Juliet at mamatay? Halos kung pupwede nga lang ibigay ko yung puso ko sayo para lang maging ok ka ginawa ko na eh tapos ganun lang pala mangyayari..” “Lucas..” Masyado atang napadrama yung sinabi ko. Mali shyet. Bahala na nga. Gusto niya ng reason eh ayan binibigyan ko siya. “Ang point ko, ayokong matulad tayo sa kanilang dalawa. Gusto ko pareho tayong lumaban.. pero kung wala na talaga akong choice at naging ganun talaga.. willing naman ako eh.” “Willing?” tanong niya sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya at inakbayan siya., “Wala. Tara uwi na tayo.” Nakita niyo!! Bigla bigla yung mga hirit ko eh. Na-gets niyo naman siguro kung ano yung ibig kong sabihin. Willing.. maging Romeo niya. Potek nakakatakot na ako. Na-Athenanized na ko at hinde ko na alam kung gagaling pa ako! 2 hours na ang nakalipas simula nung nakausap ko si Athena. Nag text siya sa akin na magkita kami sa school ng 12:15 dapat daw naka shades ako. Ano na naman kaya ang pakulo niya at kelangan naka shades pa ako? Siyempre dahil siya ang bossing pumasok ako ng naka shades. Ano ba to napaka pormal ng itsura ko. Suot ko yung school blazer at yung tie kelangan kasi kumpleto yung uniform para sa grad pic. Well complete uniform naman talaga dapat kami kaya lang pasaway eh. Saktong 12:10 ako nakarating ng school gamit ung motor ko. Dumeretso ako sa may lounge para intayin si Athena, madami ng tao kasi lunch break na. Habang nag iintay ako may nakita akong babaeng naka shades tapos maiksi ang buhok nag lalakad papunta sa may lounge. Naka school uniform siya pero hinde ko matandaan kung kilala ko siya. Medyo parang kasing height siya ni Athena at medyo pareho sila ng katawan. Nung napansin kong napatingin sa akin yung babae agad akong umiwas ng tingin. Ang labo ko naman. Naka shades naman ako kaya pano niya malalaman na nakatingin ako sa kanya? hay. “LUCAS!” Narinig ko yung boses ni Athena kaya lumingon lingon ako sa paligid. Sa dami ng tao hinde ko mahanap kung san nanggaling yung boses. Pero nung napalingon ako dun sa babae naka ngiti siya sa akin tapos kumaway. Dahan dahan niyang tinanggal yung shades niya kaya nagulat ako nung nakita ko yung mata niya “Athena?!” nagmadali siyang lumapit sa akin Naka make-up na siya pero light lang. Tamang tama lang yung pagka make-up sa kanya hinde masyadong exaggerated. “Bakit ganyan buhok mo?!” sabay naming sinabi “WOW! / OMG” hahawakan ko na sana yung buhok niya pero naisip ko na baka magulo lang, “BAGAY!” Nagsmile siya sa akin ng malaki, “bagay rin sayo yung buhok mo! grabe!! Parang plinan tuloy natin ito kasi pareho tayong bagong gupit eh!” Nag smile ako sa kanya, “Pakialam ba nila?! Tara na. Pa-pic na tayo para matapos na to.” Nagnod si Athena, sinuot niya yung shades niya tapos nag punta na kami sa photography room. Habang nag lalakad kami pinag titinginan kami ng mga tao, akala siguro nila new student kami kasi bago kami sa paningin nila. Nung natapos na ako picturan tinanong kami nung photographer kung gusto daw ba naming magpapicture na magkasama, ngumiti si Athena tapos hinila ulit ako sa may tapat nung camera. Pinag pose niya kami ng mag bf/gf. Naka upo kaming dalawa tapos nakaakbay ako kay Athena, yung ulo naman ni Athena medyo parang nakasandal sa balikat ko, yung isang kamay ko naman nakahawak sa right hand ni Athena. Parang sa drama kami nag popose pero hinde. Nung natapos na sabi nung photographer isasama na lang daw niya yung sa folder ng picture namin. Palabas na sana kami ng photography room ng bigla niyang sinabing bagay kaming dalawa at sana daw magkatuluyan kami pag laki. “Bagay pala tayo eh.” asar sakin ni Athena. tumingin ako sa kanya tapos nakangiti siya “Sa tingin mo bagay tayo?” ngumiti ako tapos tumingin ulit sa dinadaanan namin, “wag kang mag alala.. hinde ko naman sineseryoso yung sinasabi nila eh..” “Don’t worry I’m almost there..” nung napatingin ako sa kanya ngumiti lang siya tapos tumingin na sa dinadaanan niya. Isa na naman ba yung linya sa mga napapanood niya? Hinde na nakakatuwa.. baka seryososhin ko na pag humirit pa ulit siya.. Bumili lang kami ni Athena ng candy sa skyline tapos umakyat na kami ng classroom para sa practice ng play. Sa may hallway pa lang naririnig na namin yung malakas na tugtog. “My god. Kirby’s favorite song.” Sabi ni Athena habang tumatawa Binuksan ko yung pintuan tapos lahat sila napatingin sa aming dalawa. Hinde sila nag sasalita at nakatingin lang sila sa aming dalawa. Lumapit si Sara kay Athena at si Grace naman lumapit sa akin. “Kelan ka nagpagupit?” tanong ni Grace sa akin at ni Sara naman Kay Athena habang hawak niya yung buhok ni Athena “Kanina.” Sabay naming sinabi ni Athena. Nag katinginan kami at ngumiti sa isa’t isa. Nagusap si Sara at Athena syempre para na naman kaming nasa Korea dahil nagkokorean sila. Mukha namang normal yung pinag uusapan nila kasi yung expressions nila parehong pareho. “Ji Yeon unni arrived this morning. She did my make-up and my hair.” “Ya~ no wonder.. Ji Yeon unni’s touch is so awesome. OMG! I JUST NOTICED THAT YOUR HAIR IS SO FREAKING SHORT! AND I LOVE IT!” “I know! She’s gonna transform you tomorrow for your CF, right?” Tapos nag Korean na naman sila pagkatapos nung sinabi ni Athena “I’m gonna tell her to cut my hair, too! Hmp! Like yours!” nagfold si Sara ng arms niya tapos tumalikod kay Athena Natawa kami sa inasta ni Sara dahil para siyang bata. “Ayos ah. First time ata na maiksi ang buhok ng gaganap ng Juliet.” Sabi ni Terrence. “Mismo! Magiging legacy to ng 47 boy!” sabi naman ni Joseph. “Babes naman anong pumasok sa isip mo at nagpakalbo ka?!” tanong naman sa akin ni Jigs “Mas bagay sayo yung mahaba eh!! Mukha ka tuloy gangster!!” Ngumiti ako kay Jigs tapos ginulo yung buhok niya at umupo sa may bandang likuran. Tumayo si Kirby sa kinauupuan niya tapos ngumiti, “Pano ba yan Athena, kelangan sabayan mo ako sa pag sayaw.” May plinay si Kirby sa ipod niya tapos hinila niya si Athena sa may platform. Nagsimulang sumayaw si Kirby, si Athena naman hinila si Sara tapos sumayaw na din silang dalawa. Narinig ko na tong kantang to hinde ko lang matandaan kung saan. Nung narinig ko na yung unang linya naalala ko na madalas patugtugin ito sa bahay nila Athena. Pinilit niya pa kami nun ni Kirby na gayahin yung sayaw. Ayun nga at halatang na memorize na ni Kirby yung steps. Bumukas yung pintuan sa may veranda at nakita ko si Kenji na pumasok ng classroom. Umupo siya sa may tabi ko at pinanood sila Athena sa pag sayaw. “Ayos ha. bagong gupit kayo pareho.” “Nagulat nga rin ako eh.” Bigla kaming natawa dahil si Kirby bigay na bigay sa pag sasayaw niyanag lilip synch pa siya. ano ba to nagiging bading na ata si Kerbiboi eh. “OMONA! DASHI HAN BEON MALHAE BWA” “Tell me tell me tetetetetetell me!” “Narul saranghandago nal gidaryowattdago!” “Tell me tell me tetetetetetell me!” “Nega pilyohada malhe malhejwoyo” “Tell me tell me tetetetetetell me!” “Jakguman dutgo shipeo gyosok nege malhejwo” “Tell me tell me tetetetetetell me!” “Ggumi anirago malhe malhejwoyo…” [a/n: lyrics lang yan. If you wanna know the translations then google niyo na lang. Tell me by Wonder Girls ?] Nagpalakpakan yung mga tao sa classroom pagtapos ng sayaw nila Kirby. Halos lahat nung lalaki pinag babatukan si Kirby dahil sa ginawa niya. Sayaw pambabae amp! “Langya paps ang alam mo lang ‘tell me tell me’ hinde ka man lang nag Korean!” “Kaya na nilang dalawa yun! hinde ko nga naintindihan yung kanta eh. Basta alam ko lang sayawin!” sabay tawa ni Kirby. Nagsimula na yung practice. Mapapansin naman kung may ilangan kay Kenji at Athena kasi nag iiwasan sila ng tingin. Pero din a katulad nung dati, nakakangiti na si Athena sa harap ni Kenji, nakakapag biruan na sila kahit papaano pero siyempre hinde parin natin alam kung ano yung tunay na nararamdaman nilang dalawa. Sa kalagitnaan ng practice may kumatok ng pintuan at nakita namin si Miss Marie, yung secretary ng prefect. Pumasok si Miss Marie sa room, “Call slip for Miss Dizon and Miss Jung.” “Athena and Sara call slip daw.” Tumayo sila Sara at Athena tapos sumunod kay Miss Marie palabas ng classroom. Nung napatingin ako sa paligid ko napansin kong lahat sila nakatingin sa akin. “Wala akong alam!” sabi ko agad sa kanila bago pa sila mag tanong sa akin. Natapos na yung lunch break tapos nag babaan na kami papunta sa Gym para sa program. Sabay kami ni Kenji bumaba dahil na una na si Jigs at Kirby. Nung nakita namin sila Jigs nilapitan na namin sila. May kausap si Athenang mga Korean na reporter. Hinde ko maintindihan yung pinaguusapan nila pero dahil sa mga hand gestures ni Athena mukha sinasabi niyang ‘hinde’ hehehe. Pero all in all, wala akong naintindihan. Nakita ko rin na tinuro nung babae si Kenji tapos tumingin lang si Athena kay Kenji at ngumiti. Sinabi sa amin ni Athena na mauuna na raw sila ni Sara sa gym kasama yung mga koreano. “Jigs, ano ba meron?” Napalingon sa akin si Jigs, “Yung babae yung Ji Yeon na sinasabi nila kanina. Mag MC ata si Sara tapos si Athena kakanta? Hinde ako sure eh.. Pero alam ko may something sila na ibibigay sa mga teachers. Ewan!” Sabi ni Jigs. “Tara punta na lang rin tayo sa gym para malaman natin yung mangyayari. Nandun na rin naman si Grace diba?” Nung nag simula na yung program si Sara nga yung MC, tapos yung mga kasama nilang koreano nasa first row sa left side. Masaya naman yung program sumayaw yung mga teachers tapos nag games din sila. Nung malapit ng matapos inintroduce ni Sara si Athena tapos nag simula ng kumanta si Athena. Korean song yung kinakanta niya pero may video na piniplay at may english translation. Yung mga teachers naman halos maiyak na sa nakita nilang video pag tapos nung song ni Athena umakyat si Sara kasama yung koreana at nag salita yung babae. “On behalf of Jung Corporation and Park Hyatt Hotel, we are giving you these cellphones as a simple thank you gift for doing your best on educating your students.” Nag palakpakan yung mga tao tapos yung mga teachers nagulat dahil may regalo silang matatanggap, hinde lang simpleng regalo eh, CELLPHONE!!! Tapos may nagpasukan na mga tao dala dala na yung mga cllphones. Amp! Big time eh! Pagtapos nung program na uwian na kami. Siyempre masayang umuwi yung mga teachers dahil sa natanggap nila. Si Athena naman at Sara nagpaiwan sa school. Mabilis umandar yung araw. Nung valentine’s day maraming nagbigay ng flowers at chocolates kay Athena. May mga babaeng nag bigay din sa akin ng chocolates at cards. Kaya nahirapan kaming umuwi dahil kelangan namin bitbitin yung mga dala namin. Siyempre hinde naman pupwedeng hinde kami lumabas ni Athena. Secret na muna yung nangyari. Nung birthday naman ni Carlo nag dinner silang lahat sa labas. Siyempre nagpaparty rin yung mom ni Athena para kay Carlo. Mahal nga diba? Masaya naman kasi kumpleto kaming lahat, oo kasama si Kenji. Wala nga lang si Abi. Andun din yung friends ni Carlo siyempre. At may pinakilala siyang babae sa amin. Napansin namin na nagiging close na ulit si Kenji at Athena. Napapadalas na rin yung pagsasama nila sa school at yung pag uusap nila. Walang kaso yun sa akin dahil alam kong magiging masaya sa kanya si Athena. Day before magprom nag lakas loob akong tanungin kung pwedeng maging prom date ako ni Athena. Imposibleng yayain siya ni Kenji dahil obvious naman na si Abi ung yayayain niya. Natatakot naman kasi akong mareject gaya nung ibang nag yaya sa kanya. Kaya ayun sa kaduludulohan ng araw tinanong ko siya, guess what? PANALO PROM NIGHT White suit yung susuotin ko with black tie. Wala pa akong clue kung ano yung susuotin ni Athena. Kinakabahan na ako. Naligo ako at nagbihis na para masundo ko na si Athena sa bahay nila at para rin hinde kami ma-traffic dahil Saturday ngayon. Pinahanda ko na yung kotse sa driver at pagtapos ko sinundo na namin si Athena. Nagdoorbell ako, yung mom niya yung lumabas. “OMO! You look so handsome!! I want to be in your prom to~ but my daughter doesn’t want me to go!!” Napasmile naman ako sa sinabi nung mom ni Athena, “You can come with us if you want, Tita.” “Nonono!! I don’t want to ruin your night!” nag bago bigla yung facial expression nung mom niya, “did Athena and Kenji break up? He doesn’t visit Athena here anymore..” Nakita ko na si Athena sa may lukuran ng mom niya tapos nag sign siya sa akin na wag daw akong maingay “UMMA!!” “Oh no. My mean daughter is here!! Anyway Lucas, have fun with this monster ok?? Take good care of her!!” Nag nod ako sa kanya. bago kami umalis ni Athena pinicturan muna kami ng mom niya. Hinde ako makapag react sa nakita ko, ibang klase yung itsura ni Athena. Para siyang yung mga artistang nakikita ko sa mga website na tinitingnan niya. wala siyang clip o kung ano man dahil maiksi na nga yung buhok niya. Bob cut siya, sa pilipinas Mariel cut, pag international bob cut. Pero bagay sa kanya. naka black na tube gown siya tapos mahaba.. waaah. Hinde ko madescribe masyado. ang simple ng itsura niya pero elegante tignan. Nung nakarating na kami sa place nag register kami pareho tapos pumasok na sa ballroom. Unang nakita namin si Kenji at Abi. Lumapit si Kenji kay Athena tapos ngumiti “Ganda mo ngayon ah.” “Matagal na.” sabi naman ni Athena tapos hinawakan niya ako sa kamay at hinila ako papunta sa table nila Jigs. Kalagitnan na ng program siyempre iaannounce na nila yung prom’s King and Queen pati yung Couple of the night na award. Nagsalita na yung MC “The envelopes are with me! I will first announce the King and Queen followed by the special award.” Binuksan niya yung isang envelope, “The Proms King and Queen are none other than.. Kenji delos Reyes and Athena .. Dizon!” Nagpalakpakan yung mga tao pagka announce nung King and Queen. Napatingin ako kay Athena tapos halatang gulat pa rin siya sa narinig niya. “Babes pamatay kasi yung gown mo eh! tama lang sayo mapunta yung award!” Lumapit si Kenji kay Athena tapos inabot niya yung kamay niya. nakatingin lang si Athena kay Kenji “Bilisan mo. nangangawit na ko.” nagmile si Athena sa kanya tapos humawak sa kamay ni Kenji at nag punta na sila sa may harapan. Inannounce naman yung couple of the night, si Sara at Jigs yung nanalo. Siyempre first dance yung king and queen. Kaya sila yung nag simula nung slow na dance.. tinitingnan ko pa lang sila.. nakakaselos na. bagay kasi silang dalawa. May something na makikita mo pag sila yung magkasama. Parang maiinlove ka.. ewan kabadingan yung mga pinagsasabi ko. hinde ko nga alam kung bakit ko to nasasabi eh. Pagtapos nung slowdance bumalik na sa table si Athena. Si Kenji naman bumalik na rin sa table nila. Nakita kong tumayo ulit si Kenji tapos lumabas ng ballroom. “CR lang ako.” sabi ko kay Athena Pag punta ko sa cr nakita ko si Kenji doon. Nilapitan ko siya tapos nag hugas ako ng kamay “Mahal mo pa siya diba?” tanong k okay kenji. napatingin siya bigla saakin, “Si Athena.. mahal mo pa diba?” Napayuko lang si Kenji tapos tinuloy yung pag hugas niyang kamay. “Wala na rin silbe pa kung mahal ko siya o hinde. Hinde na namin mababalik yung dati. Hinde niya na ako babalikan..” “Tutulungan kitang makipag balikan sa kanya. Pero..” Ano na naman ba tong pinagsasasabi ko..? huminto ako sa pag sasalita kaya napatingin ulit siya sa akin, “siguraduhin mo lang na hinde mo na ulit siya sasaktan. Kasi kung hinde..” “Kung hinde ano?” ‘Kung hinde ilalayo ko na siya sayo.’ Ngumiti ako sa kanya, “basta wag mo na lang siya sasaktan ulit.” Sabi ko sa kanya tapos lumabas na ako ng cr para bumalik sa table namin. Ano na naman ba tong ginagawa ko? Mali ba ako? Ang gulo ko na naman. Gusto ko na siya eh.. mali. Mahal ko na siya eh.. Pero bakit ganun? Parang gusto ko pa silang magkabalikan ulit.. Cinocontradict ko masyado yung sarili ko..
Posted on: Mon, 25 Nov 2013 10:08:08 +0000

Trending Topics



t:30px;">
Why hasnt anybody pitched the idea for a tv show like Shark Tank
oad, Peckham) to
LAGOS EXECUTIVE-LEGISLATIVE PARLEY URGES INEC TO BE IMPARTIAL,

Recently Viewed Topics




© 2015