Chinese vessel, pinatawan ng multa dahil sa illegal entry sa - TopicsExpress



          

Chinese vessel, pinatawan ng multa dahil sa illegal entry sa Philippine sea Written by Jun Mendoza Published in Latest News Friday, 28 June 2013 17:27 Pinatawan na ng halagang P1.2 million bilang multa ng Bureau of Immigration (BI) ang may-ari ng Chinese vessel na sinasabing iligal na pumasok sa teritoryo ng Pilipinas noong May 19, sa karagatan ng Cebu. Ayon kay BI Commissioner Ricardo David Jr., kabilang na umano rito ang tig-P52,510 na multa sa 24 crew members ng M/V Ming Yuan. Iginiit pa ng opisyal na sa ilalim ng batas, bago makapasok ng Philippine territory ang anumang foreign vessels, kailangang magpaalam ito sa bureau of quarantine, immigration at customs. Una ng sinabi ni PCG spokesman Lt. Commander Armand Balilo, na may natanggap silang distress call mula sa Hong Kong Maritime Rescue Coordinating Center na nagsasabing nagkaroon ng sira ang naturang cargo vessel. Pero dahil sa kabiguan ng kapitan ng barko na magpa-alam sa Philippine authorities, hinuli ang mga ito. Papayagan lamang umanong maka-alis ang barko kapag nakapag-bayad na ang mga ito sa ipinataw na multa. - See more at: bomboradyo/news/latest-news/item/9799-chinese-vessel-pinatawan-ng-multa-dahil-sa-illegal-entry-sa-philippine-sea#sthash.OSlm72ZW.dpuf
Posted on: Fri, 28 Jun 2013 10:02:11 +0000

Trending Topics



list starts with the

Recently Viewed Topics




© 2015