Confession #1355 """Bonita en La Isla"" Etong si PP, nagconfess - TopicsExpress



          

Confession #1355 """Bonita en La Isla"" Etong si PP, nagconfess about the true identity of akez..Maraming ng haka-haka dito sa MClandia kung sino talaga akez. For once, hindi po ako isa sa mga tinunutukoy nyo at wala akong kaugnayan sa kanila..at pwede buhhh!! (na pinastrong) mas importante pa ba kung sino akech kesa sa mga kwento ko?last ka nalang PP ha..pepektosan ko yang PP mo...chares….. Narealize ko lately na hindi ako effective sa mga horror stories. Puro kemberloo nasasabe ko. Kaya naman pala siguro hindi ako masyado minulto ni Blackman. Kasi dinedeadma ko lang xa. Mamake-upan ko pa xa para luminawag ang fez nya..hmmmm... Etong confession na ito ay hindi akin, kaya ko to napili kasi marami tayong mapupulut na aral dito…SWEAR mga jumega! Ang liham natin sa mga oras na ito ay pinadala pa galing sa kabilang parte ng mundo. Sinabi ko sa kanya na gusto ko magconfess siya about her story kasi iba yung tago na estorya niya. Tagos ito hanggang gull bladder. Pero ayaw daw niya. Dahil daw parang pag-aalsa ng sariling bangko ang labas….pinahumble pa si friendship…so akez naman may I volunteer para ako nalang magkuwento. (fukealamera mode) lels. Itago natin si friendship sa pangalang MYSTIKA… Tubong isla si Mysty at bunga siya ng isang broken family. Kapos at gipit man sila sa buhay ay pinilit ni Mysty na maging magaling sa larangan ng akademiya. Bago pa man niya matapos ang huling taon niya sa high school ay nagdesisyon siyang kumuha ng SASE sa pinakamalapit na testing center sa nayon nila. Pero hindi niya afford ang registration fee na 60 Php at pamasahe na 30 php, kailangan pa niyang pilitin ang kanyang tiyahin na makahiram ng pera para sa kanyang ambisyon na makatake ng entrance exam ng MSU. Inshort nakatake siya ng SASE at pumasa bilang Science Scholar. Dumating siya ng MSU taong 2000’s bitbit ang kakaunting baon na bigay ng tiyahin niya at sandamukal na pangarap na balang araw, makakatapos siya sa minamahal na unibersidad at sooner makakahanap ng magandang trabaho para matulungan din ang dalawa pa niyang kapatid at higit sa lahat, ang kanyang mudra. Sa una at ikalawang taon tanging ang allowance niya sa pagiging scholar ang kaniyang inasahan .May libreng dorm namn syang natutuluyan at registration fee na 25php lang ang binabayaran niya sa management sa buong sem para sa ID ang mga incidentals ng dormitory. Meron din siyang nakukuha na 1,000php per month na pinagkakasya nya isang buwan. Tuwing summer, hindi din siya umuuwi sa kanilang barrio kasi wala na doon ang kanyang mga kapatid at si motherlou ay nasa Manila at namamasukang katulong sa isang Buena familia, So ginugugol ni Mysty ang kanyang sarili sa mga summer subjects at mga organizations niya para makalimutan ang lumbay na nararamdaman lalo na kung nakakakita siya ng mga jumega na papauwi sa kani-kanilang probinsya. . Pero kever lang si Mysty, life most go on ika nga…Ang book at transportation allowance naman niya ay iniipon niya rin para pagkatapos ng taon ay may mapagsasaluhan sila sa Noche Buena, kasama ang tatay niya at bago nitong pamilya. Minsan, nagraraket din si Mysty lalo na sa mga comajors niya. Every time na may mga fieldtrips, bumilibi siya ng mga chichiria at kung anek-anek na mga junkfoods at ibebenta niya ito sa mga jumega. Ang magiging tubo ay siya ring ipambabayad niya sa kanyang Professor na nagpautang sa kanya para makasama siya sa fieldtrip nay yun. Nung 3rd year na si Mysty ay napagpatuloy pa rin niya ang kanyang pagiging kascholar, di pwede na hindi matapos ang sem na hindi siya maging DL kasi alam niya na pagdi niya gagalingan, tiyak matatanggalan siya ng scholarshi at lalo xang mahirapan sa pag-aaral. Ito rin ang taon kung kelan damang-dama na ni Mysty ang kanyang pagkadukha….isa o dalawang beses na lang siya kumakain at madalas siya nagtatambay sa Main Library para kunwari busy xa at nakalimutang kumain. Minsan din isang meal lang siya sa loob ng dalawang araw. After 5:30 na klase sa major ay didirecho na si Mysty sa dorm para matulog, at exactly 9:00 pm makakagising siya sa gutom pero wala na syang magagawa kasi alam niyang curfew na sa dorm at wala nang tidahang bua para mabibilhan ng pagkain. So mapipilitan siyang matulog ulit. Naranasan din yang hatiin ang isang hard-boiled egg sa dalawang bahagi , ang isa panghapunan at isa naman agahan kinabukasan. Di lumaon, napansin ng mga comajor ni Mysty ang kanyang biglang pangayayat. Matamlayin na ito at madalas siyang biglang nahihilo kung may mga lab experiments. Di nila maiwasang magtanong sa kanyang kundisyon at pinagdadaan. Pilit pinagtatakpan ni Mysty ang totoong sitwasyon kasi nahihiya siya para sa sarili. Sabay sabi sa kanila na baka lalagnatin lang siya….pero nung hinawakan nila si Mysty, instead na mainit ang katawan niya ay para itong yelo sa lamig. Wala ng nagawa si Mysty kundi sabihin ang totoo sa kaniyang mga kaibigan, nilunok niya lahat ng pride niya and felt very helpless about the situation.Ito yung pinakaunang pagkakataon na naging mas open si Mysty sa kanyang mga kaibigan. Nung nagkasakit siya ay nag-ambag-ambag ang kanyang mga comajors para sa kanyang operasyon.., na siya naming ikinagulat ni Mysty. Sa kalagayan niyang iyon, dama ni Mysty ang kalinga ng mga taong nagmamahal sa kanya. Medyo matagal tagal niya rin itong di naramdaman dahil sa layo ng kaniyang pamilya. Fourth year at padami ng padami ang mga projects nila sa college. Kailangan na ding kumayod pa ng todo ni Mysty. Loader, pautang ng yema at mga chichiria, at minsan naging labandera din siya para sa isang Meranao Family sa MSU. Hindi naman sa gusto ni Mysty na bayaran siya sa service niya sa naging extended family niya sa MSU pero dahil dito na xa halos kumakain araw-araw, ito yung tingin niyang best way to repay them. Naging right hand din siya ng isa sa kanyang naging adviser, hindi naman xa totally naging SA pero kadalasan nililibre siya nito kung may mga meetings, seminars at out of town activities. Days before the graduation, finally, tinext ni Mysty ang kanyang mudrakels na nasa manila pa rin that time. Gusto ni Mysty na makapunta si mother kasi gagraduate xangwith high honors. Excited much man si Mysty pero dismiyado siya sa sagot ni mother sa kanyang imbitasyon. Hindi pwedeng makauwi si mudra dahil wala pa itong ipon para pambili ng ticket pa Mindanao. Nung nalaman ng adviser ni Mysty ang sitwasyon, ay nag-offer ito at mga comajors niya na sila na nalang ang magsasabit ng mga medalya niya sa stage. Nasiyahan man si Mysty sa offer nila alam niya na may kakaibang galak kung mismo ang nanay niya ang aakyat ng stage para sa kanya. Ito ang sagot ni Mysty kay mother. (Verbatim ito galing sa kanya.) ""ma, naningkamot baya kog eskwela sulod sa 4 ka tuig, ni graduate ko on time..isa pa, di lang ko ordinaryo na ning graduate..kaning ako success karun, dili mani para sa ako..para ni sa inu, sa ato pamilya, kay gikapoy nako na bulag2x ta..ako pagpaningkamot ron na makalampos ug skwela is para sa ato na mabuo tag balik.""----mysty (shet mg ka MC…I think I need to POSE for a while.dili pause ha, kay chaka. POSE! kahilakon juken while typing this one…was char! Beauty Pose! Chares.) With that message, pinilit mangutang ni mother para finally makaattend sa graduation ni Mysty. Si mother mismo ang umakyat sa stage para isabit sa leeg ang mga medalya ng kanyang junakis Di maipinta ang tuwa sa mga mata ni Mysty kasi alam niyang abot kamay na niya ang kanyang mga pangarap. After graduation, nabuo ni Mysty ang kaniyang pamilya. Nagrerenta sila ng isang maliit na bahay while siya ay nagtatrabaho sa isang government agency. Pero di dito natapos ang success story ni Mysty. Currently nakakuha siya ng isang Education Grant para sa kanyang Masters somewhere abroad. Andun na xa for more than 3 years and currently working on the final requirements para matapos niya ang program. From afar, nakikita ko na malayo na talaga ang narating ni jumegang Mysty. Proud friend akech. Di man kami nagkikita o nagchachat every day, pero alam kong mas malayo pa ang kanyang mapupuntahan. Kahit jetlogers(itlog) lang ang foodings ni friendship Mysty, atleast wala nabugok iya braincells. Lol. Di ko alam kung nabigyan ko ng justice ang kuwento mo friend, MYSTIKA, pero I know ang una mong reply para sa confession na to ay…. PISTIKA ADAM!....hahah, unahan na kita! Love and lels " Adam King Faisal Center for Islamic, Arabic and Asian Studies
Posted on: Sun, 11 Aug 2013 23:30:31 +0000

Trending Topics



tbody" style="min-height:30px;">
This was really freagen stupid. But whatev here u go. Ive changed
Did you know that the average yawn lasts about 6 seconds. Why do
Aduanera pagó G. 600 millones por una obra y regaló dólares a
2008 Proton Gen 2 ideal first car. Condition is excellent inside

Recently Viewed Topics




© 2015