Confession #341 CLICK YES TO BATMAN Isa akong mag-aaral mula - TopicsExpress



          

Confession #341 CLICK YES TO BATMAN Isa akong mag-aaral mula sa Lungsod ng Angeles, Lalawigan ng Pampanga. Nito lang sabado, Nov. 22, ginanap ang 4th PANAF IMC Competition. Dinaluhan ito ng mga mag-aaral ng Marketing, Advertising, Communications atbp. Hindi ko talaga alam i-construct ang isusulat ko sorry. HAHA. Btw, dito lang naman papunta to. BILIB ako sa campaign na ipinresent ng PUP. Sa kanila yung Click Yes to Wellness, tama ba? Nakakatuwa kase yung jingle nila and yung mismong campaign nila. di man nila nasungkit yung unang parangal, magaling parin sila. Actually, magaling lahat kase nga Top 7 e, pero imba lang yung sa Top 3. Kasama dun yung PUP. Yun yung mga tipo na remarkable at nakaka-LSS. Hahaha. Nakakatuwang isipin na pagdating sa galing at sa talino, hindi sukatan yung kung saang pamantasan ka nag-aaral, hindi basehan kung pribado o pampubliko. Nag-aaral ako ngayon sa isang pribadong paaralan dito sa amin. May mga misconceptions sa amin na mayabang kami kasi nga private. Na-stereotype kase e. Kahit private school ako naka-enroll, HINDI po ako mayaman. Scholar lang ako sa school namin kaya nakaabot ako ng 3rd year. Haha, medyo mahal po kase ang tuition. Kung nagkaroon ako ng pagkakataon, at pinayagan ako ng mga magulang ko, malamang sa Maynila ako nag-aaral, at sa pampubliko. nakakatuwa kase e. Matalino. Magaling. Bukas ang isip. Cool. Astig. Imba. Hanep. At ibang klase ang karamihan sa mga estudyanteng nanggagaling sa public school. Nakakainggit kayo, kase sa halagang dose pesos, halagang milyon ang mga kakayahan at talino nyo. BILIB ako sa mga isko at iska. Looking forward ako na sa panahon na magtatrabaho nako, makakilala ako ng tulad ninyo - lalo na yung mga nag-present sa PANAF O kaya si Batman na mismo. haha. P.S. Meron rin kaming AUF Confessions abt 3-4 months ago, pero ayun nag-deactivate na ang admin Marami na rin kasing naging issue. Pero soya lang. Soya is ayos HAHA. Ingat tayo. Ikaw na bahala BATMAN. Fan ako Superman na feeling close :| BSBA Marketing Mgmt. Angeles University
Posted on: Sun, 24 Nov 2013 13:20:43 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015