Confession #391: Hi UE gags, dahil po lampas ng 300 ang - TopicsExpress



          

Confession #391: Hi UE gags, dahil po lampas ng 300 ang nagconfess, magcoconfess nadin po ako. Sa mga magbabasa nito sana maintindihan niyo kahit onti man lang hehe Thank you sa time if ever babasahin niyo :) “TANGA” Hi mga kadigs! I’m from UE Manila pala. Hehehe Isheshare ko lang ang pangyayaring hindi talaga ako makamove on. Itago niyo nalang po identity ko kse lagot ako nito sa mga kaibigan kong baliw. Pagtitripan ako hahaha. Kung maiconfess ko ito dito, baka sakaling makakamove on ako kase kinikimkim ko lang talaga to sa sarili ko for a long time. Kahit sa mga friends ko di ko to shinare eh. Partly lang. Di ko talaga shinare sakanila yung totoong nararamdaman ko kase I was too scared na majudge ako na isang babaeng nagpakatanga. Ako kase yung tipo na babaeng hindi basta basta nagaapproach or hindi basta bastang nakikipag kaibigan sa mga guys kase natatakot ako. Haha! Galing kase sa all-girls school eh. Kaya nga ngayon college palang ako nagkafriends na lalaki kase I have to blend in with the culture na meron ako ngayon. So there was this guy, kamember ko siya sa org na sinalihan ko. Everytime na dumadaan ako sa lugar kung sila lagging tumatambay, lagi ko siyang napapansin. Tas minsan, napapatingin ako sa kanya tas nakikita ko na nakatingin siya sakin. Syempre, ako naman tong pagirl, kunwari hindi ko napapansin. Hehe. Deep inside “woops, si crush nakatingin!!!” pero syempre, poker face lang ako. Iniisnab ko panga eh. Nagkaron ng event sa UE, and yung org namin needed some volunteers kase involved ito dun sa event. I volunteered naman. Cause wala talaga akong magawa sa buhay non. Aral, kain, uwi sa dorm lang nun ako. I volunteered din kase gusto kong maexperience ng mga extra-curricular activities na dati nung HS, hindi naman ako sumasali. Parang for a change. The event happened and it was really fun. Dahil don, pinromise ko sa sarili ko na maging active na ako sa org namen kase masaya pala yung feeling na madami kang kilala and mga kaibigan. Right after nung event, lumapit sakin bigla si crush, syempre sa isip ko sinasabi ko na “Stay cool. Wag kang papahalata.” “Hi.” sabi niya. Tas yun, nagsmile. Ako naman poker face and I was looking at him na para bang duuh, ba’t ka naghi, close ba tayo? Pero deep inside “ay nagsmile!!!!! what to do!!!!” “Ay, hello po” Medyo pagirl. Syempre hahaha. Tas yun, nagkakilala kami. Naging close kami agad agad. Napaka approachable naman kase niya. Tapos, ang galing gumawa ng conversation. Hindi siya nakakasawang kausap. And, super bait pa niya. And concern din siya NOON sakin. Yun, lagi kaming naguusap sa phone, araw gabi katext ko nun siya. Tas madalas kami nagkikita. One time naguusap kami sa phone, inamin niya bigla na crush niya ko. Syempre nung narinig ko yun, sobrang kilig ko as in tagalang kilig! Hahaha. Pero di ako nagpahalata siyempre. Pa girl eh. As usual. Ang chaka ko kase, minsan lang sa feeling na may nagkakagusto sayo eh hahahaha. Ako naman tong tatanga tanga, umamin din ako. Landi lang eh no. Wala eh, ewan ko ba ba’t napaamin din ako. Eh laging sinasabi ng mga kaibigan ko, pag may umamin sayo na crush ka ng crush mo, wag ka aamin. Konting pakipot muna. Paeasy to get eh. Wala na, napaamin nako. So yun, nag go with the flow nalang ako. Pag nagkikita kami, hinahawakan niya kamay ko yung parang hawak ng mga couple tas ako naman hinahayaan ko. (Tanga lang lvl 100) Tas sinusndo at hatid ako sa room namin kaya dahil don, I assumed na meron kaming something. Ang tanga ko lang, kase hanggang assume lang yon. Bigla nalang kase dumating yung araw na di na kami naguusap, nagkakatext and nagkikita. Tas bigla kong nakita tweet niya. Na hindi na daw niya makakasama yung crush niya next sem kase hindi na niya blockmate chuchu. Nung nakita ko yun sobrang OKAY. WOW. TAGOS. SAKIT. LANG. BOOM. Inisip ko sa sarili ko na” ano daw?” Binasa ko paulit ulit. Shit. Totoo to. Gusto ko umiyak kase ang tanga ko. Haha. Hinayaan ko na mafall sakanya. Nakikita ko naman sa dalawang mata ko na ayaw niya sakin pero nag assume ako kase sobrang concern and iba yung trato niya sakin. I was too stupid to think that he liked me back the way I did. Yun pala, nagkacrush lang. Di yung tulad ko, nagkagusto talaga sa kanya. Kase siya yung una na crush ko na talagang nagging kaclose and lagi kong nakikita. Halos Daniel Padilla and mga boy bands lang talaga mga crush ko nun kase I didn’t have enough encounter with dudes. Kaya yun. lakas tama nga, sabi nila. Siguro nakikita ng mga kaibigan ko na napakatanga ng ginawa ko kase hinayaan ko siya na mafall ako sa kanya and I let him na hawak hawakan yung kamay ko tas nasayang yung mga oras ko sakanya. They helped me realized that I was really stupid, assumera, feelingera. Lahat lahat na. Sakit pala nun. Yung ipinamukha nila sakin yung realidad. They made me realized na we’re just really FRIENDS. No more, no less. Pero di talaga ako makamove on eh. Inisip ko na he took me for granted dahil alam niya NBSB ako, tas wala akong kaalam alam sa mga kachorvahan pag dating sa mga relasyon kaya yun, baka gusto lang niya sakin kafling. Ano ako? Malandi? Tanga oo, malandi hindi. Pafall pa siya. Ako naman tong tatanga tanga, nafall agad agad. Kaya eto. Shinare ko ito sa inyo para naman mawala ang sakit ng loob ko and to let go of my feelings. Ayoko na maging bitter. Nakakasawa na. Yes, nagpakatanga ako sa crush palang. Pano pa kaya pag nainlove nako. Wag naman sana maulit to. Haha. Kaya ayoko muna lumab life. This is why hindi ko pinapaligaw yung nanliligaw sakin kase ayoko muna. Nakakatakot na. Sakit pala umasa sa wala eh no. Ayoko na maramdaman yun. And gusto ko muna magfocus sa pagaaral ko kase yun ang dapat. Yun. Hehe. Ay, para dun sa lalaking yon, sana mamatay kana po Hahahaha Joke lang :3 (Jokes are half meant diba?) XD Anyway, sana masaya ka and God bless nalang sayo Thank you UE Gags pala if ipopost niyo nobela ko hehe, more power! - BabaengT
Posted on: Fri, 29 Nov 2013 04:51:19 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015