Conversation started Monday 10:08am Adrian Balajadia H0pe we can - TopicsExpress



          

Conversation started Monday 10:08am Adrian Balajadia H0pe we can help;") g0d bless p0h tatay... Sya si Manuel Ibañez Sr. 63 yrs old (October 5, 1949) nakatira sa Blk 6 Lot 36 Brgy Lumbreras, General Mariano Alvarez, Cavite. Habang naglalakad ako sa may Kalaw St. (tapat ng Magsaysay Bldg) nakita ko si Mang Manuel na namimilipit sa sakit ng tyan, nilapitan ko sya Ako: Tay okay lang po ba kayo? Inalalayan ko sya papunta sa isang tabi at binilhan ko sya ng tubig at ng makakaen. Tinanong ko sya kung bakit sya nanghihina at pagod na pagod, nagulat ako sa sagot nya Mang Manuel: “sabi ng doctor ko may liver cancer daw ako, 6 months na lang ang itatagal ko” Ako: Bat pa ho kayo nag lalakad lakad, dapat ho nasa hospital kayo. Mang Manuel: Pauwi na rin ako anak, magmamaka-awa na lang ako sa mga Bus na pasakayin ako dahil sa wala akong pamasahe. Binigyan ko ng kunting pamasahe at pang-kaen si Mang Manuel. Bago sya umuwi na itanong ko kung saan ba sya galling. Mang Manuel: Galing ako sa mga katrabaho ko noon na construction worker, humingi lang ako ng tulong dahil sa anak kong nakaburol ngayon. Binabawi na kasi ng punerarya yung kabaong dahil wala kameng pang bayad ng 5,500. Sampung araw na ding walang Formaline ang anak ko, kapag hinawakan mo sya ay na-aagnas na Pinabasa sakin ni Mang Manuel yung txt ng anak nya sa kanya “Daddy nagpnta ang punerarya sa bahay kinuha at binawi n ang kabaong kay Jhonrey ngayon lang kasi ang 5,500 na deposito ay hindi daw ntn naibgay ibalot nalang daw sa kumot ang kapatid ko saka ilibing”. Ako: Ano ho ba ang kinamatay nya? Mang Manuel: Dahil sa gutom nangalakal ng pagkaen si Jhonrey kasama ang kapatid nya sa basurahan, sa kasamaang palad ang napulot at nakaen nila ay may lason ng pamatay ng daga. Ayun ang kinamatay nya, yung isa ko pang anak ngayon ay nagtatae at nagsusuka dahil sa lason na nakuha sa pagkaen sa basura. Kaya ngayon naghahanap ako ng tulong kung saan saan. Ako: Tay manalig lang kayo, magtiwala lang kayo sa taas magiging okay din ang lahat. Nagpasalamat sakin si Mang Manuel. Naputol ang pakikipag kwentuhan namin dahil sa aking inaasikaso. Nakalimutan kong tanungin kung buhay pa ang kanyang asawa, ganun pa man sa kabila ng taning ng kanyang buhay… habang papa-talikod ako sa kanya ay naluluha ako sa kanyang pagsasakripisyo para lang mabigyan ng magndang libing ang kanyang anak na namatay dahil sa pagnanais na malagyan ng laman ang kanilang sikmurang kumakahol sa gutom at para magamot din ang isa nya nalang anak na nalason din dahil sa pagkaen ng mga tira-tirang pagkaen sa basura. Iniwan ko muna saglit si Mang Manuel para tapusin yung inuutos sa akin ng Boss ko. Di nagtagal ay binalikan ko sya sa pinag iwanan ko sa kanya, ngunit di ko na sya naabutan. Hinanap ko sya papunta sa my sakayan ng mga bus, sa kabutihang palad ay naabutan ko syang paika-ikang naglalakad, nang ma-abutan ko sya humiling ako sa kanya na kunan ko sya ng litrato at ang kanyang personal data para tulungan sya. Nirecord ko din ang bawat sinasabi nya para malaman ang kanyang saloobin sa pag-reject sa kanya ng mga politikonng kanyang nilapitan. Tinanong ko din sa kanya bakit hindi sya humingi ng tulong sa kanilang bayan. Mang Manuel: Tinulungan ko sila nung panahon ng kampanya, ngayong kumakatok ako sa kanila para humingi ng tulong ang sabi nila sa akin “WALA NA KAMENG PONDO, NAUBOS NUNG PANAHON NG KAMPANYA” Mang Manuel: Im just been knocking the door of our honorable gentlemans of the senate and the congress for the past 3 days including the peoples from all walks of life to please extend their help for any possible assistance… pero lahat walang pondo, walang pondo. Kaya napilitan akong pumunta sa mga kasamahan ko dati, baka sakaling matulungan ako. Nagkataon na man na wala rin silang trabaho. The best thing that I can do to my son is mang holdap nalang kasi I don’t know where to get that 5,500 Si Mang Manuel ay isang dakilang Ama na handang gawin ang lahat para lang sa kanyang anak sa kabila ng kanyang karamdaman, hindi sya sumusuko sa kakaisip ng paraan para lang mabigyan ng disenteng libing ang kanyang anak. Hindi nya na rin ini-isip ang kanyang sakit para lang sa kanyang pinakamamahal na anak Nag-babaka sakali akong makatulong ako kay Mang Manuel kaya ko naisipan na gumawa nito. Sana Maikalat ito hanggang sa makarating sa nakaka-taas. Sana kahit papano ay matulungan natin sya na maipagamot ang kanyang sarili at ang nag-iisa na lang nyang anak na ngayon ay may karamdaman pa dahil sa nakain na may lason, at higit sa lahat ang kanyang anak ngayon na nakaburol… na binabalak pa ng punerarya na kuhanin ang kabaong na pinaghihigaan ni Jhonrey dahil wala silang pang bayad sa 5,500. Nananawagan ako sa munisipyo at sa mga opisyal na nanunungkulan sa General Mariano Alvarez, Cavite o kahit sa buong lalawigan ng Cavite na sana dinggin ang tulong ni Mang Manuel. Sana Maikalat ito hanggang sa makarating ang tulong kay Mang Manuel. Thank you. i wish you to help him. i read it and share on my time line. god bless po Today 5:29am Imbestigador Magandang araw! Hindi nabanggit kung saan ang address ng nabanggit na tatay. Kung mayruon sanang address ay maaari naming pakiusapan ng DSWD sa nabanggit na lugar na i check ang kalagay ni tatay at ng kanyang pamilya at matingnan kung paano sila matutulungan. Maraming salamat! 6:23am Adrian Balajadia Sya si Manuel Ibañez Sr. 63 yrs old (October 5, 1949) nakatira sa Blk 6 Lot 36 Brgy Lumbreras, General Mariano Alvarez, Cavite. yan po address nya. thanks sa reply salamat pa ng marami
Posted on: Wed, 03 Jul 2013 03:29:14 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015