D A T I part 1 “Oh my god kuya, I saw all your pictures! - TopicsExpress



          

D A T I part 1 “Oh my god kuya, I saw all your pictures! You’re so disgusting!” sigaw ni Ashley pagkatapos buksan ang pinto ng nakatatandang kapatid na si Arran. Pinakaayaw pa naman ng binata ang bigla-biglang pagpasok ng ibang tao sa kwarto nya. He feels that he’s being robbed out of his privacy everytime someone knocks without his permission. Napabuntong-hininga na lang si Arran sa tinuran ng kapatid. Ugali na ni Ashley na makialam ng gamit, lalong-lalo na kung may patungkol ito sa kanya. “Anong problema mo? Umalis ka nga dito!” pabulyaw na sagot ni Arran sa kapatid. Kung hindi lang talaga pinagpipilitan ng mommy huwag munang bumukod ng bahay, malamang ay mabilis pa sa alas-kwatrong nag-empake si Arran at lumipat ng matitirahan. “I saw everything. Nakikipaghalikan ka sa lalaki, oh my god! Magkano’ng binayad mo dun?” exaggerated na tuloy ni Ashley. Mukhang wala na siyang balak gawin sa mundo kundi ang asarin ang kapatid. “Tigilan mo nga ako dyan sa pag-iinarte mo. Kung maka-oh my god ka, parang hindi ka pa nakakakita ng dalawang lalaking naghahalikan. Panay naman ang tambay mo sa mga bar sa Malate!” sagot ni Arran habang tila may hinahanap siya sa toolbox sa ilalim ng kama nya. May hinala na siya sa susunod na sasabihin ng kapatid. “I’m telling mom.” Banta ni Ashley habang tinitingnan ang kapatid. “I’m telling mom.” Arran mimicked her sister in a sarcastic tone. “Go ahead, sabihin mo kay mommy. Para malaman din nya kung anong ginagawa nyo ng ‘thesis mate’ mo kapag nasa kwarto kayo.” ngisi ni Arran ng makita niya ang hinahanap. Jackpot. “Shut up. You’re telling lies. Mom won’t believe you. Alam mo namang ako ang paboritong anak ni mommy.” Sagot ni Ashley at itinaas pa ang kilay. Totoong mas pinapaboran ng mommy nilang si Rina ang bunsong anak. Sunod ang luho sa damit, alahas, sapatos at lahat ng mahiligan ni Ashley. Kaya lumaking spoiled. Si Arran naman ay pinabayaan lang ang ganitong set-up sa pamilya nya. “I know, dear sister. That’s why I’m not telling her without this.” Itinaas ni Arran ang kamay niya, hawak ang gamit na pregnancy test kit na nasa loob ng transparent na plastic. “Sino sa tingin mo ang gagamit nito? Don’t tell me, mom is getting all Immaculate Concepcion on us.” Nakangising turan niya. Arran knows that he’s bound to be the victor in this verbal catfight between him and his sister. Ashley’s face turned white. “Saan – saan mo nakuha yan?” Namumuo na ang pawis sa kanyang noo. “Kung hindi ka ba naman isa’t-kalahating engot na itatapon ito sa garbage can sa banyo. Pasalamat ka nga ako ang nakakita, baka pakuluan ka ni mommy ng buhay kapag siya ang nakakita to, nang maalis naman sa katawan mo yang kakatihan mo.” Arran answered while waving the evidence on her ashen face. Akma namang aagawin ni Ashley ang plastic ngunit mas mabilis na nailayo ni Arran ito mula sa kanya. “Ngayon, ano ulit yung sasabihin mo kay mommy?” tanong ni Arran na nang-aalaska. “Screw you!” Ashley shouted back and stormed out of Arran’s room. He sighed with disbelief. Ewan niya kung kailan naging ganoon ang kapatid niya. He loved her sister so much, but Ashley’s perpetual hate for him grew as they grew up. Wala namang naiisip na dahilan si Arran kung bakit, maliban na lang dahil sa kanilang tatay. Nagtrabaho sa Japan ang nanay niya at nakapangasawa ng Hapon, at silang dalawa ang naging bunga ng pagmamahalan nila. Well, sort of. Ilang buwan pagkatapos isilang si Ashley ay nawala na lamang ang kanilang ama. Nag-iwan ito ng sulat sa kanila at nagsasabing “I will find myself”. Tatlong taon lamang si Arran noon at halos walang muwang sa mundo. Bumalik silang tatlo sa Pilipinas at hindi na nila nakita pa ang kanilang ama mula noon. Nakuha ni Arran sa kanyang ama ang features nito, kaya mukha siyang Japanese at first glance. Chinito, maputi at may taas na 5’6”. Agad mong mapapansin ang malamlam nitong mata na tila inaantok. Kapag tinatanong ng magkapatid sa kanilang ina kung nasaan na ang tatay nila, ang isinasagot lamang ni Rina ay tumalon daw ito sa isang bulkan sa Japan. Kakatwang isipin, ngunit ito na lang ang pinaniwalaan ni Arran. They never saw even one picture of their father. But Ashley’s mind spun a different direction. Sinisi niya si Arran kung bakit umalis ang kanilang ama. It was a silly idea, but eventually her anger grew out of proportions. “Arran – 1. Ashley – 0.” Ang natatawang banggit ni Arran habang isinasara ang pinto. Hindi na rin niya kinalimutang i-lock ito, kung sakaling pumasok ulit ang kapatid niya sa kuwarto. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------ “Ran-ran.” Masayang tawag ni Biboy sa kalaro, isang Sabado ng Abril. Nasa tapat ito ng bahay nila, saktong alas otso ng umaga. Yayayain sana ni Biboy si Ran-ran na maglaro sa bahay nila. Hilig kasi niya ang Shaider action figure ni Ran-ran, at paborito naman ng huli ang collection ng Matchbox sa bahay ng huli. Madalas na nagpapalit ang dalawa ng laruan dahil ayaw naman nilang magpabili pa sa kanilang mga magulang. Summer vacation noon kaya walang pasok. Madalas na magkasamang nanunuod ang dalawa ng BTX at Blue Blink sa umaga, Shaider at Bioman naman sa gabi. Madalas silang magtalo kung sino si Red 1 kaya napagpasyahan ni Biboy na siya na lang si Shaider, at si Ran-ran naman si Red 1. Minsan din silang manuod ng Remi at Sarah, Ang Munting Prinsesa, at sabay ding umiiyak kapag ma-drama ang mga tagpo. Agad namang susugod ang nanay ni Biboy na si Aling Fe mula sa kusina upang tingnan kung anong nangyari, ngunit matatawa na lamang dahil makikitang ngumangawa ang dalawa sa harap ng telebisyon. Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto ng bahay ng kalaro. Napangiti si Biboy nang makita si Ran-ran na bitbit ang action figure na paborito niya. Naka-Fido Dido siya na sando at pambahay na shorts. May towel pa sa likod. Lumabas din saglit ang nanay ni Ran-ran na si Rina. “Ingat kayo Biboy. Anak, huwag kang masyadong malikot sa bahay nila at baka makabasag ka ng kung ano.” Paalala niya sa dalawang paslit. “Opo. Dun na lang po pala ako kakain kina Biboy, mommy.” Sagot naman ni Arran. Nakita niya na kumunot ang noo ng ina. Alam nito ang binabalak ng makulit na anak. Hindi naman napigilan ni Arran ang ngumiti dahil alam niya ang susunod na mangyayari. “Naku, nakakahiya sa nanay ni Biboy. Ang takaw mo pa naman. Dito ka na kumain mamaya.” Pagpupumilit ni Rina, ngunit mukhang katulad na naman ito ng mga dating tagpo kapag hiniritan na siya ni Arran ng ganitong litanya. “Tita Rina, ayos lang po yun kay Mama. Madalas naman po akong mag-merienda sa inyo pag hapon.” Sabad naman ni Biboy, nakangisi rin katulad ng kaibigan. “Aalis na po kami Tita. Babay.”, sunod pa niyang sinabi at inakbayan si Ran-ran palayo sa bahay nila. “Babay mommy, I love you!” sigaw naman ni Ran-ran sa kanyang ina habang kumakaway pa. Nang nakita niyang isinara na ng kanyang mommy ang pinto ng bahay, agad silang humagikgik ni Biboy. “Salamat ha.” Turan nito sa kalaro. “Gulay na naman ang ulam ninyo mamayang tanghali, ano?” tanong ni Biboy kay Ran-ran habang naglalakad sila. Madalas niyang pagtakpan ang kalaro sa ganitong sitwasyon. Una, dahil alam niyang hinding-hindi mapapakain ng gulay si Ran-ran. Pangalawa, dahil masesermonan ito ng kanyang mommy kapag hindi siya kumain nito at hindi papayagang lumabas para maglaro sa hapon. Hilig pa naman ng mga bata sa compound nila na maglaro ng Patintero o Agawan Base. Minsan nakikisali din silang dalawa kapag nagsimula nang maglaro ng Piko o Chinese Garter ang mga kalaro nilang babae. Tiyak, kapag hindi niya tinulungan si Ran-ran na magpalusot sa kanyang mommy ay mag-isa lang siyang lalaking maglalaro sa labas pag hapon. Ayaw naman niyang makihalubilo kapag ang ibang kalarong lalaki na ang nagkayayaang maghabulan. Madalas siyang umuuwing may galos dahil nadapa siya o itinulak ng mga kalaro. “Oo eh. Nakita ko yung pinamili ni mommy kanina sa palengke, puro gulay! Tapos sabi pa niya, pinakbet ang tanghalian namin. Eh puro gulay yun.” Paliwanag ni Ran-ran sa kalaro. Kumunot ang noo ni Biboy. “Bakit ba kasi ayaw mo kumain ng gulay, masarap naman yun ah?” tanong nito, ngunit mukhang alam na alam niya ang isasagot ng kaibigan. “Ayoko nun, kadiri ang lasa. Mas masarap pa din kapag fried chicken ang ulam. O kaya kapag pork chop.” Sagot naman ni Ran-ran, sabay ng pagtapik niya sa tiyan niya. “Bahala ka nga. Masarap din naman ang gulay, ayaw mo lang talagang subukang kumain.” Napapailing na tugon ni Biboy, mukhang hindi na talaga matututong kumain ng gulay ang kalaro niya. Napasinghot si Ran-ran. “Ah basta, mas masarap pa rin ang fried chicken kaysa pakbet. Yak!” saad nito. Magkasabay na naglakad ang magkaibigan patungo sa bahay nila Biboy. Tiyak na buong araw na naman ang paglalaro ng dalawa. itutuloy.......
Posted on: Tue, 26 Nov 2013 10:03:15 +0000

Trending Topics



class="sttext" style="margin-left:0px; min-height:30px;"> I play on a basketball team (who are awful by the way). Whenever

Recently Viewed Topics




© 2015