DAILY BIBLE READING June 26,2013 BILANG 7 Bibliya Online BAGONG - TopicsExpress



          

DAILY BIBLE READING June 26,2013 BILANG 7 Bibliya Online BAGONG SANLIBUTANG SALIN NG BANAL NA KASULATAN Bilang 7:1–89 IPAKITA ANG 1At nangyari nang araw na matapos ni Moises na maitayo ang tabernakulo, pinahiran niya iyon at pinabanal iyon at ang lahat ng kasangkapan nito at ang altar at ang lahat ng mga kagamitan nito. Sa gayon ay pinahiran niya ang mga iyon at pinabanal ang mga iyon.2Pagkatapos ay naghandog ang mga pinuno ng Israel, na mga ulo ng sambahayan ng kanilang mga ama, yamang sila ang mga pinuno sa mga tribo at tumatayong tagapamahala sa mga rehistrado,3at dinala nila ang kanilang handog sa harap ni Jehova, anim na karwaheng may takip at labindalawang baka, isang karwahe para sa dalawang pinuno at isang toro para sa bawat isa; at inihandog nila ang mga iyon sa harap ng tabernakulo.4Dito ay sinabi ni Jehova kay Moises:5“Tanggapin mo ang mga iyon mula sa kanila, sapagkat ang mga iyon ay para sa pagsasagawa ng paglilingkod sa tolda ng kapisanan, at ibibigay mo ang mga iyon sa mga Levita, bawat isa ayon sa kaniyang sariling paglilingkod.” 6Kaya tinanggap ni Moises ang mga karwahe at ang mga baka at ibinigay ang mga iyon sa mga Levita.7Dalawang karwahe at apat na baka ang ibinigay niya sa mga anak ni Gerson ayon sa kanilang paglilingkod,8at apat na karwahe at walong baka ang ibinigay niya sa mga anak ni Merari ayon sa kanilang paglilingkod, sa ilalim ng kamay ni Itamar na anak ni Aaron na saserdote.9Ngunit sa mga anak ni Kohat ay wala siyang ibinigay, sapagkat ang paglilingkod sa dakong banal ay nakaatang sa kanila. Ginagawa nila ang kanilang pagpapasan sa balikat. 10At ang mga pinuno ay naghandog noong pagpapasinaya ng altar nang araw na pahiran ito, at inihandog ng mga pinuno ang kanilang handog sa harap ng altar.11Kaya sinabi ni Jehova kay Moises: “Isang pinuno sa isang araw at iba namang pinuno sa ibang araw ang magiging paraan nila ng paghaharap ng kanilang handog para sa pagpapasinaya ng altar.” 12At ang naghandog ng kaniyang handog nang unang araw ay si Nason na anak ni Aminadab ng tribo ni Juda.13At ang kaniyang handog ay isang pinggang pilak, na ang bigat nito ay isang daan at tatlumpung siklo, isang mangkok na pilak na pitumpung siklo ayon sa siklo ng dakong banal, na kapuwa punô ng mainam na harina na nilagyan ng langis bilang handog na mga butil;14isang kopang ginto na sampung siklo, na punô ng insenso;15isang guyang toro, isang barakong tupa, isang lalaking kordero na nasa unang taon nito, bilang handog na sinusunog;16isang anak ng kambing bilang handog ukol sa kasalanan;17at bilang haing pansalu-salo ay dalawang baka, limang barakong tupa, limang kambing na lalaki, limang lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang. Ito ang handog ni Nason na anak ni Aminadab. 18Nang ikalawang araw ay naghandog si Netanel na anak ni Zuar, na pinuno ni Isacar.19Inihandog niya bilang kaniyang handog ang isang pinggang pilak, na ang bigat nito ay isang daan at tatlumpung siklo, isang mangkok na pilak na pitumpung siklo ayon sa siklo ng dakong banal, na kapuwa punô ng mainam na harina na nilagyan ng langis bilang handog na mga butil;20isang kopang ginto na sampung siklo, na punô ng insenso;21isang guyang toro, isang barakong tupa, isang lalaking kordero na nasa unang taon nito, bilang handog na sinusunog;22isang anak ng kambing bilang handog ukol sa kasalanan;23at bilang haing pansalu-salo ay dalawang baka, limang barakong tupa, limang kambing na lalaki, limang lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang. Ito ang handog ni Netanel na anak ni Zuar. 24Nang ikatlong araw ay ang pinuno para sa mga anak ni Zebulon, si Eliab na anak ni Helon.25Ang kaniyang handog ay isang pinggang pilak, na ang bigat nito ay isang daan at tatlumpung siklo, isang mangkok na pilak na pitumpung siklo ayon sa siklo ng dakong banal, na kapuwa punô ng mainam na harina na nilagyan ng langis bilang handog na mga butil;26isang kopang ginto na sampung siklo, na punô ng insenso;27isang guyang toro, isang barakong tupa, isang lalaking kordero na nasa unang taon nito, bilang handog na sinusunog;28isang anak ng kambing bilang handog ukol sa kasalanan;29at bilang haing pansalu-salo ay dalawang baka, limang barakong tupa, limang kambing na lalaki, limang lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang. Ito ang handog ni Eliab na anak ni Helon. 30Nang ikaapat na araw ay ang pinuno para sa mga anak ni Ruben, si Elizur na anak ni Sedeur.31Ang kaniyang handog ay isang pinggang pilak, na ang bigat nito ay isang daan at tatlumpung siklo, isang mangkok na pilak na pitumpung siklo ayon sa siklo ng dakong banal, na kapuwa punô ng mainam na harina na nilagyan ng langis bilang handog na mga butil;32isang kopang ginto na sampung siklo, na punô ng insenso;33isang guyang toro, isang barakong tupa, isang lalaking kordero na nasa unang taon nito, bilang handog na sinusunog;34isang anak ng kambing bilang handog ukol sa kasalanan;35at bilang haing pansalu-salo ay dalawang baka, limang barakong tupa, limang kambing na lalaki, limang lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang. Ito ang handog ni Elizur na anak ni Sedeur. 36Nang ikalimang araw ay ang pinuno para sa mga anak ni Simeon, si Selumiel na anak ni Zurisadai.37Ang kaniyang handog ay isang pinggang pilak, na ang bigat nito ay isang daan at tatlumpung siklo, isang mangkok na pilak na pitumpung siklo ayon sa siklo ng dakong banal, na kapuwa punô ng mainam na harina na nilagyan ng langis bilang handog na mga butil;38isang kopang ginto na sampung siklo, na punô ng insenso;39isang guyang toro, isang barakong tupa, isang lalaking kordero na nasa unang taon nito, bilang handog na sinusunog;40isang anak ng kambing bilang handog ukol sa kasalanan;41at bilang haing pansalu-salo ay dalawang baka, limang barakong tupa, limang kambing na lalaki, limang lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang. Ito ang handog ni Selumiel na anak ni Zurisadai. 42Nang ikaanim na araw ay ang pinuno para sa mga anak ni Gad, si Eliasap na anak ni Deuel.43Ang kaniyang handog ay isang pinggang pilak, na ang bigat nito ay isang daan at tatlumpung siklo, isang mangkok na pilak na pitumpung siklo ayon sa siklo ng dakong banal, na kapuwa punô ng mainam na harina na nilagyan ng langis bilang handog na mga butil;44isang kopang ginto na sampung siklo, na punô ng insenso;45isang guyang toro, isang barakong tupa, isang lalaking kordero na nasa unang taon nito, bilang handog na sinusunog;46isang anak ng kambing bilang handog ukol sa kasalanan;47at bilang haing pansalu-salo ay dalawang baka, limang barakong tupa, limang kambing na lalaki, limang lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang. Ito ang handog ni Eliasap na anak ni Deuel. 48Nang ikapitong araw ay ang pinuno para sa mga anak ni Efraim, si Elisama na anak ni Amihud.49Ang kaniyang handog ay isang pinggang pilak, na ang bigat nito ay isang daan at tatlumpung siklo, isang mangkok na pilak na pitumpung siklo ayon sa siklo ng dakong banal, na kapuwa punô ng mainam na harina na nilagyan ng langis bilang handog na mga butil;50isang kopang ginto na sampung siklo, na punô ng insenso;51isang guyang toro, isang barakong tupa, isang lalaking kordero na nasa unang taon nito, bilang handog na sinusunog;52isang anak ng kambing bilang handog ukol sa kasalanan;53at bilang haing pansalu-salo ay dalawang baka, limang barakong tupa, limang kambing na lalaki, limang lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang. Ito ang handog ni Elisama na anak ni Amihud. 54Nang ikawalong araw ay ang pinuno para sa mga anak ni Manases, si Gamaliel na anak ni Pedazur.55Ang kaniyang handog ay isang pinggang pilak, na ang bigat nito ay isang daan at tatlumpung siklo, isang mangkok na pilak na pitumpung siklo ayon sa siklo ng dakong banal, na kapuwa punô ng mainam na harina na nilagyan ng langis bilang handog na mga butil;56isang kopang ginto na sampung siklo, na punô ng insenso;57isang guyang toro, isang barakong tupa, isang lalaking kordero na nasa unang taon nito, bilang handog na sinusunog;58isang anak ng kambing bilang handog ukol sa kasalanan;59at bilang haing pansalu-salo ay dalawang baka, limang barakong tupa, limang kambing na lalaki, limang lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang. Ito ang handog ni Gamaliel na anak ni Pedazur. 60Nang ikasiyam na araw ay ang pinuno para sa mga anak ni Benjamin, si Abidan na anak ni Gideoni.61Ang kaniyang handog ay isang pinggang pilak, na ang bigat nito ay isang daan at tatlumpung siklo, isang mangkok na pilak na pitumpung siklo ayon sa siklo ng dakong banal, na kapuwa punô ng mainam na harina na nilagyan ng langis bilang handog na mga butil;62isang kopang ginto na sampung siklo, na punô ng insenso;63isang guyang toro, isang barakong tupa, isang lalaking kordero na nasa unang taon nito, bilang handog na sinusunog;64isang anak ng kambing bilang handog ukol sa kasalanan;65at bilang haing pansalu-salo ay dalawang baka, limang barakong tupa, limang kambing na lalaki, limang lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang. Ito ang handog ni Abidan na anak ni Gideoni. 66Nang ikasampung araw ay ang pinuno para sa mga anak ni Dan, si Ahiezer na anak ni Amisadai.67Ang kaniyang handog ay isang pinggang pilak, na ang bigat nito ay isang daan at tatlumpung siklo, isang mangkok na pilak na pitumpung siklo ayon sa siklo ng dakong banal, na kapuwa punô ng mainam na harina na nilagyan ng langis bilang handog na mga butil;68isang kopang ginto na sampung siklo, na punô ng insenso;69isang guyang toro, isang barakong tupa, isang lalaking kordero na nasa unang taon nito, bilang handog na sinusunog;70isang anak ng kambing bilang handog ukol sa kasalanan;71at bilang haing pansalu-salo ay dalawang baka, limang barakong tupa, limang kambing na lalaki, limang lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang. Ito ang handog ni Ahiezer na anak ni Amisadai. 72Nang ikalabing-isang araw ay ang pinuno para sa mga anak ni Aser, si Pagiel na anak ni Ocran.73Ang kaniyang handog ay isang pinggang pilak, na ang bigat nito ay isang daan at tatlumpung siklo, isang mangkok na pilak na pitumpung siklo ayon sa siklo ng dakong banal, na kapuwa punô ng mainam na harina na nilagyan ng langis bilang handog na mga butil;74isang kopang ginto na sampung siklo, na punô ng insenso;75isang guyang toro, isang barakong tupa, isang lalaking kordero na nasa unang taon nito, bilang handog na sinusunog;76isang anak ng kambing bilang handog ukol sa kasalanan;77at bilang haing pansalu-salo ay dalawang baka, limang barakong tupa, limang kambing na lalaki, limang lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang. Ito ang handog ni Pagiel na anak ni Ocran. 78Nang ikalabindalawang araw ay ang pinuno para sa mga anak ni Neptali, si Ahira na anak ni Enan.79Ang kaniyang handog ay isang pinggang pilak, na ang bigat nito ay isang daan at tatlumpung siklo, isang mangkok na pilak na pitumpung siklo ayon sa siklo ng dakong banal, na kapuwa punô ng mainam na harina na nilagyan ng langis bilang handog na mga butil;80isang kopang ginto na sampung siklo, na punô ng insenso;81isang guyang toro, isang barakong tupa, isang lalaking kordero na nasa unang taon nito, bilang handog na sinusunog;82isang anak ng kambing bilang handog ukol sa kasalanan;83at bilang haing pansalu-salo ay dalawang baka, limang barakong tupa, limang kambing na lalaki, limang lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang. Ito ang handog ni Ahira na anak ni Enan. 84Ito ang handog sa pagpapasinaya sa altar nang araw na pahiran ito, mula sa mga pinuno ng Israel: labindalawang pinggang pilak, labindalawang mangkok na pilak, labindalawang kopang ginto;85isang daan at tatlumpung siklo sa bawat pinggang pilak, at pitumpu sa bawat mangkok, ang lahat ng pilak ng mga sisidlan ay dalawang libo apat na raang siklo ayon sa siklo ng dakong banal;86ang labindalawang kopang ginto na punô ng insenso ay sampung siklo bawat kopa ayon sa siklo ng dakong banal, ang lahat ng ginto ng mga kopa ay isang daan at dalawampung siklo;87ang lahat ng baka para sa handog na sinusunog ay labindalawang toro, labindalawang barakong tupa, labindalawang lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang at ang kanilang mga handog na mga butil, at labindalawang anak ng kambing bilang handog ukol sa kasalanan;88at ang lahat ng baka ng haing pansalu-salo ay dalawampu’t apat na toro, animnapung barakong tupa, animnapung kambing na lalaki, animnapung lalaking kordero na tig-iisang taóng gulang. Ito ang handog sa pagpapasinaya sa altar pagkatapos na mapahiran ito. 89At kapag pumapasok si Moises sa tolda ng kapisanan upang makipag-usap sa kaniya, maririnig nga niya ang tinig na nagsasalita sa kaniya mula sa itaas ng takip na nasa ibabaw ng kaban ng patotoo, mula sa pagitan ng dalawang kerubin; at magsasalita siya sa kaniya. NAUNA SUSUNOD IPADALA SA E-MAIL ANG LINKI-PRINT
Posted on: Tue, 25 Jun 2013 23:22:40 +0000

Trending Topics



y" style="min-height:30px;">
Daily Readings July 29, 2014 Memorial of Saint Martha Reading 1
Another good day. hands are hurting. mostly stiff and sore. no

Recently Viewed Topics




© 2015