DEEP PENETRATION AGENT(DPA) 05. March 7 - DJ ED DEHINS PO - TopicsExpress



          

DEEP PENETRATION AGENT(DPA) 05. March 7 - DJ ED DEHINS PO SIGN-IN, MAARAW NA ANG PANAHON NAMIN DITO SA METRO MEGAMANILA. GOOOOOOD AM/PM ANO MANG TIME MERON KAYO RIYAN SAAN MANG PANIG KAYO NG MUNDO NAROROON. UNTI -UNTING KWENTUHAN NA NAMAN PO TAYO. ANG PAGPAPATULOY NG KWENTONG PAG-IBIG NI KA. EDEN-DEEP PENETRATION AGENT(DPA)- UMIBIG KAY KA ERWIN ISANG KATULAD NYA RIN. HINDI NAGKAKAALAMAN MAGING SA ISAT-ISA....(SINO AT PAPAANO NAGING KA EDEN SI EDELINA)...... Dear DJ ED- compulsory ang ROTC o kilala bilang isang subject na MS(Military Scienc)e liban na lang kung may Medical certificate ka na hindi pwede ay exempted ka . Matapos kong makapag-enrol ay nag-usap kami ng Papa ko tungkol dito sa napili kong pasukang school ito nga ang PCAT sinabi kong wala syang babayaran dahil Scholar ako. Alam ko hindi nya ikinatuwa ang tungkol sa pera marami sya nito, ang ikinatuwa nya ay ang salitang"Trade" sa pangalan ng school ibig sabihin nito ay negosyo, sa isip nya ay sinunud ko na ang hiling nya na huwag Military school ang pasukan ko kundi pagnenegosyo, at ang PCAT ay madadaanan lang kapag umuwi kami ng Bicutan via South express way. Kasabay ng pasukan ay nakakita na rin ng pwesto ang Papa ko, isang building na bagong gawa sa may Quiapo Blvrd kahilera ng Quiapo church napapagitnaan ng kalsadang Claro M, recto at Evangelista o kilala sa pangalang Raon, dito kasi nagkakaipon-ipon ang mga nagtitinda ng gamit miltar mapa -Surplus man o Brandnew. "Danao Military Supply and Gen. Merchandize" ito ang pangalan ng aming Tindahan na agad nabuksan, malawak ang sakop ng negosyo namin hanggang sa pagsusupply ng baril at paglalakad ng Licensya. May 3makinang HighSpeed gamit sa panananahe na kita ng tao sa tindahan, subalit sa loob nito ay maraming makina pa ang inilagay, dahil, napag-alaman ko na nakuha na ng Papa ko ang Bidding sa paggawa ng Uniform ng dalawang malaking eskwelahan sa University belt sa may Recto. Naging abala ang Papa ko at halos hindi na kami nakapag-uusap pa. Ganon naman sya"Hands on sa Negosyo" at ang grade ko lang ang tinitingnan nya, Mama ko na lang ang lagi kong nakakausap at ang ilang Empleyado na galing ng Cebu na sadyang pinapunta ng Papa ko dito dahil sa sila ay Skilled at All around sa negosto namin. Halos hindi kami nauwi ng Bicutan, kinuha nya na rin ang 2nd floor ng Building sa itaas ng tindahan namin at iyon na ang naging tirahan namin at Bodega. Pabor sa akin ito, walking distance lang sa PCAT kung sinisipag maglakad pero nasakay ako ng Jeep palagi. Ilang linggo pa ang inantay ko bago ko nakita sa bulletin board ng ROTC ang paskil na tatangap ng bagong cadete para sa Cadet Officer Training Course (COTC) inaasahan ko na ito dahil ginagawa namin sa HS ito Iba lang ang pangalan COCC-(cadet officer candidacy course). Agad akong nagpalista at halos marami akong kasabayan. Sa pagpapalista palang ay hirap na dahil naka Blind fold ka at kakain ka ng sariwang dahon na hindi mo alam kung ano iyon, isang pagsubok na sinusukat ang sikmura mo. Nagsimula na ang Pagpasok ko dito Tulad ng HS namin ang unang pagsubok o ipnapagawa ay ang kilalanin lahat ng Officer ng Corps of Cadet at bawat officer na ito ay may iniuutos sayo na gawin, ang iba ay nanghihingi ng pagkain o ano pa man bago nila ibigay ang buong pangalan nila. Pero may isang hindi man lang nag-utos sa akin o walang ipingawa at hiningi kahit ano. Siya si COL. Magtibay Senior officer ng ROTC graduating na at Outgoing Officer na rin ng ROTC namin. Bilang babae, pakiramdam ko ay parang may gusto ito sa akin(assuming)- KA EDEN--................DJ ED DEHINS PO HANGGANG BUKAS PONG MULI.
Posted on: Mon, 16 Sep 2013 11:33:20 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015