DEEP PENETRATION AGENT(DPA) 18. March 21- DJ ED DEHINS PO - TopicsExpress



          

DEEP PENETRATION AGENT(DPA) 18. March 21- DJ ED DEHINS PO SIGN-IN, MAARAW NA ANG PANAHON NAMIN DITO SA METRO MEGAMANILA, SOOOOOOBRA INIT. GOOOOOOD AM/PM ANO MANG TIME MERON KAYO RIYAN SAAN MANG PANIG KAYO NG MUNDO NAROROON. UNTI -UNTING KWENTUHAN NA NAMAN PO TAYO. ANG PAGPAPATULOY NG KWENTONG PAG-IBIG NI KA. EDEN-DEEP PENETRATION AGENT(DPA)- UMIBIG KAY KA ERWIN ISANG KATULAD NYA RIN. HINDI NAGKAKAALAMAN MAGING SA ISAT-ISA....(SINO AT PAPAANO NAGING DPA AT KA ERWIN SI SI SHERWIN HERNANDEZ)..... SI KA ERWIN PO ANG NAGKUKWENTO NG BUHAY NYA.... Dear DJ ED; tahimik na ang lahat sa buhay ko at bumilang narin naman ng kung ilang buwan , napadalaw ako sa kampo ng aking tiyuhin at patuloy sila sa kilusan, at nagrerecruit pa ng kasama . Minsan sa bayang ay napagtuunan ko ng pansin ang dalawang dalagang kasing edad ko rin . Iniisip ko marahil ay bakasyunista sila dito sa amin, kilala ko na halos ang mga tao dito, naingganyo akong sundan ang dalawang dalaga nagababakasali nga na kilala ko ang kanilang tinutuluyan, malayo na ang aming nararating at halos wala ng mga kabahayan ay hindi parin sila nahinto parang papasok sila ng kabundukan sa kuta ng aking tiyuhin , patuloy ko silang sinundan at tama ako sa kuta nga sila patungo. Sa tulong ng tiyuhin ko ay nagkakilala kami, MAYDELENE -ang kanyang pangalan at MAY ang tawag sa kanya, bago daw siyang recruit , isinama sya ng isa nilang myembro, ayaw sya sanang tanggapin tiyuhin ko dahil naglayas lang ito sa kanila dahil nagrebelde sa kanyang mga magulang, ayaw ng umalis sa kabundukan. Ewan ko ba para akong naingganyo sa kanyang tinig ganong may angkin naman siyang kagandahan, mas gusto ko ang boses pangalawa lang ang kagandahan. Na-inlove yata ako sa kanya, siya ay aking niligawan,, kahit ang kapalit nito ay ang pumayag na maging Courier ng grupo sa kanilang pang-araw -araw na panganga-ilangan. Dumalas ang pag-akyat ko ng kabundukan para suyuin lang si MAY at hindi naman ako nabigo naging kami na. Parang gusto ko ng sumanib sa grupo para lagi syang makapiling , pinasaya nya ang buhay ko at binigyan ng kulay at nadagdagan pa ang pangangarap ko, pero nanaig ang aking paghahangad ng katahimikan. Sa pagitan ng aming pagtatatagpo at pag-susuyuan sa kabundukan ay pinipilit ko syang kumbinsihin na bumaba na at sumama sa bayan, mauunawaan naman ito ng aking tiyuhin. Alam ko hindi magtatagal ay makukumbinsi ko rin sya. Isang Flash report ang narinig ko sa Radyo na may naganap na engkwentro sa kabundukang iyon , sa kuta ng tiyuhin ko, anim(6) ang patay sa parte ng kalaban ng militar, dalawa rito ay estudyante na taga Maynila, pinipilit daw nilang pasukuin pero nagkasa ng baril at lumaban, matagal naraw sinusubaybayan ang grupong ito. Madaling araw palang ay nasa Munisipyo na ang anim bangkay nakalatag sa may Flagpole at may mga takip. Maraming Militar sa paligid at marami naring mga UZI(usisero) isa na ako sa naroon hindi ko malapitan ang bangkay para maiwasan ang hinala. Dinig kong pinag-uusapan na malubha ring nasugatan ang Kumander baka patay naraw ito at hindi narecover dahil nadala ng mga kasama. Dumating ang mag-asawa na tipong mayaman at Binuksan ang isang bangkay na itinuro ng Militar, napaiyak ng pahagulgol ang babae ng makilala ang kanilang anak, at napaiyak din ako, nakilala ko rin ito, ang kasintahan ko, ang una kong pag-ibig. KA ERWIN.............TSK TSK TSE ANG SAKLAP NAMAN- DAJ ED EHINS PO HANGGANG SA MULI..
Posted on: Thu, 19 Sep 2013 11:20:19 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015