~DIFFERENCE IN LOVE AND MARRIAGE~ Isang estudyante ngtanong sa - TopicsExpress



          

~DIFFERENCE IN LOVE AND MARRIAGE~ Isang estudyante ngtanong sa Guro: WHAT IS LOVE? Sabi ng Guro: Para masagot ang tanong mo pumunta ka sa taniman ng melon at pumili ka ng pinakamalaki na melon at bumalik ka dito. Pero ito ang tandaan mo, isang beses ka lang pwdeng mamili at di mo pwedng balikan ang nadaanan mo na para piliin ito. Ang estudyante ay may nakita agad na malaking melon pgdating nya sa taniman, ngunit napaisip sya na baka sa gitna o dulo may mas malaking melon pa, sa kakaikot nya napansin nya na di na kasing laki ng una nyang nakita na melon ang nadaan nya kanina, kaya napailing nlng sya at nghihinayang, bumalik sya sa guro na walang dala. At ang guro ay napailing: yan ang LOVE...sa kakahanap mo di mo pinili o napansin na yun na pala sya, sa kawalan ng tiwala at pagkakuntento sa mga bagay-bagay ay di mo napansin ang taong sanay karapat dapat sayo. WHAT IS MARRIAGE? tanong ng estudyante. Sumagot ang guro: Gaya ng ginawa mo kanina, ngayon sa taniman kna naman ng mais pumunta at pumili ka ng pinaka malaking mais at tandaan mo isang beses ka lng pwdng pumili ulet. Ang estudyante ay napaisip nung nasa taniman na sya ng mais, pumili sya ng katamtaman ang laki ng bunga ng mais na sa tingin nya kung kanyang kakainin kumbaga ito ay mabubusog siya nito ng tamang-tama, at bumalik siya sa guro. Napangiti ang guro: Sa pagkakataong ito may dala kana nasambit ng guro, Nahanap mo ang gusto mo na laki ng mais at may tiwala ka sa iyong desisyon sa pagpili, at naniniwala na ito ang pinaka da best na nakuha mo yan ang MARRIAGE... Gandang hapon kapamilya!
Posted on: Sat, 26 Oct 2013 08:19:45 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015