DZRH: Maraming ulan ang dala ng bagyong Zoraida. Magdamag na umulan sa Davao Region. Kanselado na ang lahat ng klase sa lahat ng antas sa Davao City, Compostela Valley. Sa Cotabato Province naman ay nakakaranas na rin ng moderate rains at ayon kay PDRRMO Cynthia Ortega, patuloy ang pag-monitor nila sa mga major river system para maiwasan ang anumang untoward incident. Sa Cotabato City naman ay magdamag ding umulan. Inaasahan ang pagtama sa kalupaan ng bagyong Zoraida bandang 8:00 ng umaga mamaya sa boundary ng Davao at Surigao del Sur.
Posted on: Mon, 11 Nov 2013 22:57:56 +0000
Trending Topics
Recently Viewed Topics
© 2015