** Dagdag na P10M, inilaan ng gobyerno para sa relief ops sa - TopicsExpress



          

** Dagdag na P10M, inilaan ng gobyerno para sa relief ops sa Bohol at Cebu City Written by Bombo Jofrey Cagape Published in Latest News Tuesday, 15 October 2013 13:01 Tiniyak ngayon ng gobyerno na maiparating kaagad ang kaukulang tulong para sa libu-libong katao na naapektuhan ng malakas na pagyanig ng lindol nitong umaga sa lalawigan ng Bohol, Siquijor, Cebu City, at Negros Oriental. Ayon kay DSWD Secretary Dinky Soliman, naglaan na rin ang pamahalaan ng karagdagang P10 million na standby fund para sa relief operations sa Region 7 na pinoproseso na ng DSWD. Habang nasa P8.7 million naman ang stand-by funds para sa mga sinalanta ng malakas na lindol sa ilang mga lalawigan sa visayas. Sa ngayon ang P 5.9 million na pondo ay inilaan para sa Region 6, habang P2.84 million naman ang para sa Region 7. Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Bohol, Cebu, Leyte, at iba pang lugar sa Visayasa para sa pamamahagi ng relief goods. - See more at: bomboradyo/news/latest-news/item/27180-dagdag-na-p10m-inilaan-ng-gobyerno-para-sa-relief-ops-sa-bohol-at-cebu-city#sthash.00o7WrCt.dpufbomboradyo/news/latest-news/item/27180-dagdag-na-p10m-inilaan-ng-gobyerno-para-sa-relief-ops-sa-bohol-at-cebu-city
Posted on: Tue, 15 Oct 2013 05:10:01 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015