Dahil may mga nagbahagi na rin ng problema nila gusto ko rin - TopicsExpress



          

Dahil may mga nagbahagi na rin ng problema nila gusto ko rin ishare yung akin baka may makuha akong maganda rito. Hindi rin ako mula sa mayamang pamilya. Baon kami sa utang, hindi ako scholar, hindi ako ganung katalino pero pinaghihirapan ng parents ko sa DLSU kasi naniniwala silang maganda yung education na kaya nitong ibigay sa akin. Kung hindi nga lang sa SLP ng la salle di ako makakaraos kada term. Nalulungkot ako ng sobra dahil natatakot ako na kapag bumagsak ako ulit hindi ko na alam kung saan ako pupulutin. Nahihiya na ko sa parents ko. Nahihiya na ko para sa sarili ko. Naiisip ko na rin tapusin yung buhay ko kasi gusto ko na tumakas. Napapagod na ko sa lahat. Naririndi sa mga dapat ma-achieve. Halos lahat ng kakilala ko parang alam na nila saan sila pupunta, ano gagawin nila sa buhay, ako hindi ako sure kung ano gusto ko, ang alam ko lang hindi na ko masaya. Ayoko na rin ng lokohan. Nagsasawa na ko sa mga kaibigan ko. Wala akong malapitan. Sinubukan kong mag open sa iba pero parang wala talagang nakakaintindi. Wala talaga. Ang daling sabihin na, acads lang yan, grades lang yan, pero sobrang nakakapagod na. Yung kada term nagsastruggle akong makapasa. Nagsastruggle para makisabay sa mga magagaling kong kaklase. Bawat balik ng test paper na ang baba ng score ko nireremind sa akin na ang bobo ko. Walang wala sa utak nila. Nakakababa ng self-esteem. Kahit sarili ko hindi ko na kayang paniwalaan. Hindi ganun kadali. Laging namomroblema sa pambayad, namomroblema kada araw dahil mga kasama ko sa school hindi rin ako maintindihan. Hindi madali na kada araw parang walang nagbabago. Sakal na sakal na ko. Ayoko ng maging disappointment sa pamilya ko, pati na rin sa sarili ko. Kagaya nung guy na nagbabalak mag suicide, inaantay ko na lang rin yung january o baka agahan ko pa dahil nalulunod na ko sa takot. Basta yun lang ang sure ko ngayon, iniisip ko palang na isa na namang failure, bumabagsak na yung puso ko at nag-iisip kung paano na kumawala. by not_enough, SOE 11*
Posted on: Sun, 01 Dec 2013 10:47:06 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015