Damdaming Nabuo Buong maghapon ay sadyang iba Ngayong ako’y - TopicsExpress



          

Damdaming Nabuo Buong maghapon ay sadyang iba Ngayong ako’y iyong nilisan na sinta Sadyang hindi ka talaga Maalis sa aking isipan Makalipas ang ilang sandali Ako’y nagtungo ng kusina Doon ko nasulyapan, ang pakete ng gulaman Naisipan ko itong lutuin, Upang makatakas sa multo ng ating nakaraan Aking binasa sa likod Ang instruksyon na akin din namang sinunod: -- Una, ihanda ang anim na tasang luha Na dulot ng sakit sa paglisan niya, Ibuhos ito sa kaserola. Ikalawa, ibuhos ang isang pakete Ng sama ng loob sa kaserola, Haluin at tunawin itong maigi. Ikatlo, isalang sa kalan ang pagdaramdam Ipagpatuloy ang paghalo Hanggang sa malapit na itong kumulo Ikaapat, pakuluin ng sandali ang damdamin Ito ay upang masigurong Hindi mo na siya muling aalalahanin Ikalima, alisin ang pinakuluan sa kalan At ilipat sa malinis na lalagyan Na walang bahid ng inyong nakaraan At ang pinakahuli, pabayaan itong lumamig Ito ay para mabuo Ang nawasak mong damdamin at puso -- At kahit ngayong wala ka na Ako naman ay nakasisiguro Na ako ay muli pang mabubuo Gaya nitong gulaman na aking niluto.
Posted on: Thu, 01 Aug 2013 09:55:19 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015