Datu Piang Maguindanao,pinasok ng BIFF Daang-daang pamilya ang - TopicsExpress



          

Datu Piang Maguindanao,pinasok ng BIFF Daang-daang pamilya ang nagsilikas ng sumiklab ang panibagong sagupaan sa probinsya ng Maguindanao. Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Philippine Army,Spokesman Colonel Dickson Hermoso alas 9:30 kagabi pinasok ng mga miembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang Brgy Madtalbayog,Brgy Glaci,Brgy Magaslong at Brgy Gumbay Datu Piang Maguindanao. Kung saan inatake ng mga rebelde ang posisyon ng 45th Infantry Battalion Phil.Army at mga tauhan ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu). Dahil sa tindi ng bakbakan nagsitakbuhan ang mga sibilyan patungo sa mga ligtas ng lugar. Karamihan sa mga bakwet ay pumasok sa Notre Dame High School,Municipal Gym at simbahang katoliko. Napasok na rin ng BIFF ang poblacion proper kaya nahihirapan ang militar at pulisya sa seguridad ng mga sibilyan. Ngunit ayon kay Colonel Hermoso dakong alas 4:20 ng madaling araw ay umatras ang mga rebelde. Walang nasugatan at nasawi sa panig ng militar at Cafgu habang di matiyak sa BIFF. Sa kasalukuyan ay patuloy na tinutugis ng militar at pulisya ang papatakas na BIFF.
Posted on: Mon, 30 Sep 2013 06:48:04 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015