Dear All, Trusted po ako sa nag forward sa akin sa email ng - TopicsExpress



          

Dear All, Trusted po ako sa nag forward sa akin sa email ng message na ito about Pork Barrel kung saan napupunta pera. Pls. read very well po at ipanalangin natin. We believe in the power of prayers there is no strong hold and it can penetrate even the hardest wall na magiba sila. Thursday, August 8, 2013 Anonymous Filipino Part I: Paano Napupunta sa Bulsa ng mga Pulitiko ang PDAF o Pork Barrel Dahil sa kahilingang isalin sa Filipino ang mga comment ni Anonymous, ito na. I-comment nyo lang po kung may suggestion kayo o correction sa ginawa kong translation para ma-edit ko. Part by part lang po ang pagtatranslate ko para di masyadong maging mahaba ang bawat post.Nandito ang original comments ni Anonymous. HINDI KO PERSONAL NA PAHAYAG ANG MGA ITO KUNDI HANGO LAMANG SA ORIHINAL NA COMMENTS NI ANONYMOUS SA MGA NAUNANG BLOG. = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = PART I: PAANO NAPUPUNTA SA BULSA NG MGA PULITIKO ANG PDAF O PORK BARREL “Si Janet Lim Napoles ay malapit sa yumaong Emilia Boncodin, ang dating DBM Secretary. Si Emilia ang nagsasabi kay Janet kung may naaprubahang budget o SARO at kung kaninong senador o congressman. “Si Gringo Honasan ay malapit na kaibigan ng asawa ni Janet na si Jimmy Napoles. Nasurpresa ako nong nabasa ko sa Internet nong ininterview si Honasan at sinabi nyang hindi nya kilala ang pamilyang Napoles. “Nong kudeta noong panahon ni Cory, nagdadrive si Jimmy Napoles ng isang tangke papunta sa Camp Crame at tinamaan ng mortar ang tangke nya. Si Jimmy ang nagpaputok ng kalibre .50 na machine gun at ang sundalo na nagdrive ng tangke ay namatay sa pagsabog. Nakaligtas si Jimmy pero nakulong sya kasama si Honasan. Kung may makikita kayong malinaw na picture ni Jimmy Napoles sa Internet, makikita nyo na may marka ng sunog ang ilang parte ng mukha at mga braso nya. “Nagsimulang lumago ang yaman nila noong patapos ang 1990’s, noong naging kasapakat nila ang mga mayor ng Zamboanga na ginamit nilang front para sa isang Foundation na magpapatupad ng ilang proyekto o magdedeliver ng mga gamit sa bukid. Tungkol naman sa COA, nagawa nilang palabasing tapos na ang mga proyekto kahit wala silang nagawa ni isa. Itinatag nila ang JLN group of companies noong 2000 at inilipat nila ang kanilang bagong opisina mula sa AFPOVAI sa 25th floor ng Discovery Suites. “Hindi nagtagal, mas dumami na ang mga koneksyon ng mga Napoles sa kongreso at sa senado. Ganito ang ginagawa ng JLN group of companies at ng kanilang sub-company, ang Jo-Chris Trading (ipinangalan nila sa kanilang panganay na anak na si Jo-Christine “Neneng” Napoles) – ginagamit nila ang kanilang foundation bilang ahensyang tagapagpatupad (implementing agency) para sa mga pondo ng mga kongresman at senador. Ganito kasi: ang mga kongresman at mga senador ay may budget, yong tinatawag na PDAF o “pork barrel”, pero ang mga pulitikong ito ay hindi direktang makakahawak o makakatanggap ng perang ito at hindi nila ito pwedeng galawin. Kaya ang ginagawa ng mga pulitiko ay gagawa ng proyekto (isa sa pinakamadalas gawin ay ang pamimigay ng fertilizer sa mga magsasaka) at kanilang hihilingin sa DBM na laanan ng budget. Pagkatapos, magkakaroon ng public bidding na gagawin sa DAR. Ang resulta ng bidding ay pinal na at ang nanalo ay ang foundation ng mga Napoles. Ang pondo o ang SARO ay ibibigay sa foundation ni Janet at hihingiin naman ng mga kongresman at senador ang 70% ng kabuuang halaga. Kaya kung ang proyekto ay 10 milyon, ibibigay ni Janet ang 70% nyan. Kadalasan ang pamangkin ni Janet na si John Francisco Lim ang tagahatid ng pera, nagkikita lang sila sa Podium o sa parking lot. Ang mga pera ay nakalagay sa plastic bag o paper bag. “Kaya kung magkano man ang natira sa pera, 30% ang napupunta kay Janet. Ipinapa-cash nila ang cheke na nakuha nila sa DBM sa Landbank sa Greenhills na kung saan ang manager doon ay nasa payroll ni Janet. Binabayaran din ni Janet ang mga inspector ng COA at kung sino man ang kasabwat nila sa DAR. “Ganyan ang ginagawa nila. Ito ang ginagawa nila sa loob ng mahigit nang isang dekada. Ganito kung paano nagkakamal ng pera ang mga senador at kongresman. Ito ang dahilan kung bakit madaming pera ang mga senador at kongresman habang ang mga nagtatrabahong Filipino ay salat. Hindi lang si Janet ang may kasalanan dito. Ang kasakiman ng mga senador at mga kongresman ang nagpapatakbo ng sistemang ito. Nakakamangha na kung sakaling makakasuhan ang pamilya at ang kumpanya ni Janet, ang mga tao na lilitis sa kanila- ang mga huwes, senador, at ang mga kongresman, ay bahagi nito. Natatakot ako para sa buhay nina Benhur at Merlina bilang mga whistleblower. Darating ang oras, mamamatay din sila. Dapat silang maproteksyonan ng mga mamamayang Filipino. Walang magagawa ang NBI o ang witness protection program tungkol dito dahil sinisigurado din lang nila na buhay ang mga whistleblower para sa kanilang sariling pakinabang. Kapag nakapagbigay na ng pera sa NBI si Janet at kapag nanghimasok na sina Revilla, Honasan, Arroyo, Pichay, Ducut, Pineda, Lim, Estrada, Soto, Lapid, at halos lahat ng mga kongresman na nasa pwesto nitong nakalipas na sampung taon, wala nang magagawa sina Benhur at Merlina. Parang patay na din sila ngayon pa lang. “Paki-post ito sa inyong social media at ishare ninyo ito sa buong mundo. Panahon na upang matigil na itong kalokohang ito at alisin na ang pork barrel at proteksyonan sina Benhur at Merlina.”
Posted on: Mon, 19 Aug 2013 04:39:47 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015