Demand ng HK na apology, Pinas wala pang tugon NANANATILING - TopicsExpress



          

Demand ng HK na apology, Pinas wala pang tugon NANANATILING tahimik ang gobyerno ng Pilipinas sa kabuuang 21 “requests” ng Hong Kong government kaugnay sa nangyaring Manila hostage crisis noong taong 2010. Ipinahayag ni Hong Kong’s Secretary for Security Lai Tung-kwok na kabilang sa mga kahilingan ay ang paghingi nang paumanhin ng Pilipinas at kompensasyon sa pamilya ng mga biktima. Binanggit pa ng opisyal na maging ang kanilang Central Government ay ipinarating ang nasabing demand sa pamamagitan ng diplomatic channels pero hanggang ngayon ay naghihintay pa rin umano sila ng tugon. Maalala na sa nasabing pangyayari, walong turista galing ng Hong Kong ang napatay matapos i-hostage ng isang pulis ang kanilang sinasakyang tour bus. Kabilang sa mga sinisisi sa madugong insidente ay ang umano’y palpak na rescue operations ng Manila Police District (MPD). Kaugnay nito, muling pinaalalahanan ng Hong Kong government ang kanilang mga kababayan hinggil sa umiiral na “black travel alert” laban sa Pilipinas. RTNews Admin Rapista
Posted on: Thu, 11 Jul 2013 08:37:28 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015