DepEd Advisory No. 265, s. 2013 June 27, 2013 In compliance with - TopicsExpress



          

DepEd Advisory No. 265, s. 2013 June 27, 2013 In compliance with DepEd Order No. 8, s. 2013 this Advisory is issued for the information of DepEd officials, personnel/staff, as well as the concerned public. (Visit deped.gov.ph.) PAMBANSANG SEMINAR-WORKSYAP SA FILIPINO NG BICOL UNIVERSITY Ang Departamento ng Filipino ng Bicol University College of Arts and Letters (BUCAL) sa pakikipagtulungan ng Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino (PSWF-BU, Rehiyon V), Master sa Filipino at Doktor ng Pilosopiya sa Filipino ay magtataguyod ng Pambansang Seminar-Worksyap sa Filipino na may paksang Pagtuturo ng Wikang Filipino at Panitikan, Pananaliksik at Kagamitang Panturo Salig sa K to 12 Kurikulum. Ang seminar-worksyap na ito ay gaganapin sa Hulyo 25-27, 2013 sa BUCAL Amphitheater, Lungsod ng Legazpi. Ang layunin ng seminar-worksyap na ito ay upang matugunan ang mga suliranin ng mga kalahok ukol sa pagpapaunlad ng pagtuturo ng wikang Filipino at panitikan, pananaliksik at kagamitang panturo salig sa K to 12 Kurikulum at upang makagaapay sa mga napapanahong isyu ng pangwika at mga kinauukulan. Ang mga superbisor, punongguro, koordineytor at kaguruan ng/sa Filipino sa antas elementarya at sekondarya mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan ay inaaanyayahang dumalo sa gawaing ito. Ang patakaran sa partisipasyon ng mga guro na mula pampubliko at pampribadong paaralan ay naaayon sa no-disruption-of classes policy na nasasaad sa DepEd Order No. 9, s. 2005 na may pamagat na Instituting Measures to Increase Engaged Time-on-Task and Ensuring Compliance Therewith. Para sa karagdagang impormasyon o anumang katanungan, maaring makipagugnayan kay: Fay Lea Patria M. Lauraya, Ph.D. Pangulo Pamantasan ng Bicol Lungsod ng Legazpi Telefax Blg.: (052) 821-7939 Email Address: bicol_university1969@yahoo Leticia M. Lopez, Ph.D. Direktor, Pambansang Seminar 2013 Puno, Departamento ng Filipino Bicol University College of Arts and Letters (BUCAL) Lungsod ng Legazpi Telepono Blg.: (052) 820-2745 Mobile Phone Blg.: 0905-930-3643 Email Address: leticia_lopez0440@yahoo Rhea /DA- BU Seminar-Worksyap sa Filipino 0557/June 25, 2013 deped.gov.ph/index.php/issuances/advisories--from website ng deped
Posted on: Sun, 07 Jul 2013 08:55:06 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015