Desperate Move: PANAWAGAN PARA SA ISANG PANALANGIN AT PAGTUGON - TopicsExpress



          

Desperate Move: PANAWAGAN PARA SA ISANG PANALANGIN AT PAGTUGON DITO: Hindi nakapasok sa FEUCSO Scholarship last semester ang pamangkin ko. Resulta: kelangan ko ng 42k para mabayaran ang tuition nya last sem, at para makapag-promissory note para makapag-enrol sya this coming semester. Nasa third year na sya sa kursong Internal Auditing. Hanggat maaari sana ayaw ko syang huminto sa pag-aaral. Hanggat kaya ko. Kaso, baon na baon na ako sa utang. Nakalaan na pambayad sa mga utang ang lalabas na mga pera nitong susunod na mga buwan. November at December 2014 na ako makakabayad kung sakali sa kung sino man ang magpapahiram sa akin. This coming sem, pasok sya sa partial scholarship. Nag-apply na rin sya sa Megavision. Para mag-take effect ang mga scholarships na ito, hindi dapat sya mahinto sa pag-aaral. Panalanagin: Sana po may magpahiram sa akin ng ganun kalaking halaga at magtiwala na babayaran ko by November and December 2014. Kundi man po, sana tanggapin namin ng mapayapa, lalo na ng pamangkin ko, na kelangan nya munang huminto ngayon at magtrabaho para makapag-aral muli. May he take this opportunity to reflect on his life, and assess if he is on the right track, IA ba talaga o Eng. May he surrender his life to the Lord, as I did, and trust that the Lord knows what He is about. Nananalig ako that the Lord will provide. He always does. It may not be what Im asking but something better... To God be the glory!
Posted on: Wed, 23 Oct 2013 02:47:59 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015