Dinukutan habang nagdadasal (Aries Cano) Walong dayuhan ang - TopicsExpress



          

Dinukutan habang nagdadasal (Aries Cano) Walong dayuhan ang kabilang sa 24 na inarestong mga mandurukot na nambibiktima ng mga nagdadasal sa mosque sa Madinah sa Saudi Arabia kung saan isa sa mga nabiktima ay isang Pinay visitor sa Kingdom. Sa ulat ng Saudi local press, nahuli ng security force ng Prophet’s Mosque ang 24 pickpockets. Nadakma ang mga mandurukot noong Ramadan, batay pa sa ulat kahapon. Sinabi ni Madinah police Col. Fahd bin Amer Al-Ghanam na kabilang sa tatlong nahuli ay tatlong Egyptian, tatlong Pakistani at isang Nepalese. “...policewomen of the investigation unit arrested a 30-year-old woman while she was pickpocketing a Filipino female visitor. Once the thief noticed that she was caught red-handed, she tried to throw away the wallet, but was caught nevertheless,” sabi ng opisyal. Tatlong kabataan pa na may mga edad na 15 at 17 ang kabilang din sa naaresto. creator.-))
Posted on: Wed, 14 Aug 2013 03:00:54 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015