Do you know ??? sa dinami dami ng mga pulitiko, artista at - TopicsExpress



          

Do you know ??? sa dinami dami ng mga pulitiko, artista at pelikula na gumamit sa pangalan ng Tundo, may nai-ambag ba sila sa pamumuhay ng mga taga-tundo? May naging presidente, mga senador at marami pang pulitiko ang nag-sabi at patuloy na nag-sasabi na laki sila sa tundo, may naitulong ba talaga sila sa pag-unlad ng tundo? Kahit nga isang porsyento ay hindi man lamang na-ambunan ang tundo, sa tubo/kita ng mga pelikula na gumamit sa pangalan ng tundo. Lumawak na nga ang sakop ng lupain ng tundo, mula sa dating dalampasigan ng manila bay sa Bangkusay, ang likod ng dating Tomas Remegio Elem. School (Magat Salamat ngayon) ay dati ring dagat. At kaya nga daw mataas ang simbahan ng tundo ay sapagkat kung high tide ay umaabot sa loob ng simbahan ang tubig dagat. Ngayon nga ay malayo na ang dalampasigan ng manila bay mula sa dati nitong baybayin. sa kabila ng paglawak ng nasasakupan ng tundo, halos wala na rin ang mga antigong mamamayan ng tundo. iilan na lang ang mga pamilyang nananatili rito mula pa nuong panahon na wala pang pilipino. indio o taga-ilog (tagalog) pa ang tawag sa mga mamamayan ng pilipinas noon. azcarraga pa ang recto. north general hospital pa ang jose reyes memorial medical center sa avenida. lumawak pa ang sakop ng tundo, nagkaroon na nga ng harbour center ngayon, na dagat pa din nung unang bahagi ng dekada 90, na kinatatayuan ngayon ng malalaking kumpanya at nagkaroon din ng macro (na SM Hypermarket na ngayon), pero ang mga tunay na anak ng tundo ay nawalan at patuloy na kinakamkam ang mga lupa. buti pa ang mga dayuhan ay nagagawan ng paraan ng gobyerno para may malugaran. ang mga umunlad na mamamayan ng tundo ay dahil sa sarili nilang sikap. at ang karamihan naman ay nangibang bayan at nangibang bansa, ito ay dahil na rin sa kawalan ng pag-asa sa mga nagsasabing sila ang taga-pagligtas o mag-sasalba sa tundo. halos wala na nga ang mga dating industriya sa tundo, halos wala na ang industriya ng tinapa at ang mga umbuyan (bilaran ng mga tinapa) sa may bangkusay, ang mga botehan sa may angustia, coral, perla, at pavia, ang gawaan ng mga kariton sa moriones. wala na ang procter & gamble sa vitas, ang la tondeña sa velasquez, ang alhambra naging puregold na, at marami pang iba. meron pang iba na nasakay lang sa " balat ng mani" at napadpad sa tundo ay nangangako din na sila ang magsasalba sa tundo.
Posted on: Fri, 04 Oct 2013 10:30:49 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015