ELITE CHESS@ So, Harikrishna tabla; Aronian virtual - TopicsExpress



          

ELITE CHESS@ So, Harikrishna tabla; Aronian virtual champion Round 10 Standings: Aronian 8pts/10, Giri, Karjakin 6pts, Harikrishna, Caruana, Dominguez, So 5.5pts, Nakamura 4.5, Van Wely 4.0, Rapport, Gelfand 3.5, Naiditsch 2.5. Round 11 Sunday 26th Jan 11am GMT: Nakamura-Giri, Naiditsch-Rapport, So-Caruana, Gelfand-Harikrishna, Aronian-Van Wely, Karjakin-Dominguez. Bangkok, Thailand – Tabla ang kinalabasan ng laro ni Filipino Grand Master (GM) Wesley So kontra kay Indian GM Pentala Harikrishna para makisalo sa ika-4 na puwesto matapso ang Round 10 ng 76th Tata Steel Tournament sa Rijksmuseum, Amsterdam nitong Sabado. Matapos ang magnificent win kontra kay Dutch GM Loek Van Wely, nagkasya sina So at Harikrishna sa 31 moves draw sa Ruy Lopez Berlin. A drawn position was reached quickly ani Gainsfield Chess director at Thailand based Pinoy woodpushers Henry Calacday hinggil sa laban nina So at Harikrishna na nakasubaybay sa laro sa chessbomb. Kasama ni So sa fourth spot sina Harikrishna, Italian GM Fabiano Caruana at Cuban GM Leineir Dominguez na may tig 5.5 points. Inaasahan na tatargetin ni So ang importanteng panalo tangan ang white pieces sa eleventh at final round kontra kay Caruana na natalo naman kay German GM Arkadij Naiditsch matapos ang 39 moves ng Catalan Opening. Samantala tangan na ni top seed Armenian GM Levon Aronian ang titulo. Giniba ng boyfriend ni Fil-Australian WIM Arianne Bo Caoili si Dominguez sa 42 moves ng Ruy Lopez Opening para virtual na makopo ang prestigious crwon bagamat may isa pang laro sa bisa ng 8.0 points, two points ahead kina second placers Dutch GM Anish Giri at Russian GM Sergey Karjakin kung saan nauwi sa fighting draw ang kanilang laro sa 32 moves ng Catalan Opening. Kapwa sila nakalikom ng tig 6.0 points.
Posted on: Sun, 26 Jan 2014 06:58:25 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015