ENTERTAINMENT NEWS Hero’s welcome kay Megan, kasado na! Kung - TopicsExpress



          

ENTERTAINMENT NEWS Hero’s welcome kay Megan, kasado na! Kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa schedule ni Megan Young, uuwi siya sa Pilipinas sa darating na October 10. Dumiretso si Megan sa London mula sa Bali, Indonesia, ilang araw pagkatapos na hirangin siya bilang Miss World 2013. Sa video diary ni Megan sa London, sinabi ng first Filipina Miss World na uwing-uwi na siya dahil miss na miss na niya ang ating bansa. Isang ticker tape parade at hero’s welcome ang naghihintay kay Megan sa pagbabalik nito sa Pilipinas. Si Cory Quirino, ang national director ng Miss World Philippines ang punong-abala sa pag-aasikaso sa homecoming ni Megan. Pagbawi ng korona kay Megan ng Miss World Org., KURYENTE! Hindi totoo ang tsismis na binawi ng Miss World Organization ang korona ni Megan Young at ibinigay ito kay Miss World 2013 First Princess Marine Lorphelin. Kumalat ang tsismis noong Sabado kaya nabahala ang ilang mga beauty contest obsessed Filipinos, lalo na ang mga nakatira sa ibang bansa. May kasabihan tayo na ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili. Huwag pairalin ang pagiging ignorante dahil napakadali na bisitahin ang official website ng Miss World Organization sa pamamagitan lamang ng isang click para ma-verify ang katotohanan ng kumalat na tsismis. Ano ang puwedeng itawag sa mga tao na active sa Facebook and yet, sila pa ang nangunguna sa pagtatanong tungkol sa tsismis na nabalitaan nila samantalang napakadali para sa kanila na tingnan ang official website ng Miss World na hindi na pala popular sa United Kingdom? Si Eric Morley (1918-2000) ang founder ng Miss World na unang ginanap noong 1951 at Festival Bikini Contest ang dating pangalan bilang parangal sa bikini, ang two-piece swimsuit na unang lumabas noong 1946. Bikini ang suot ng Miss World 1951 contestants at ng kauna-unahang winner na si Kiki Hakansson ng Sweden. Hindi na naulit ang pagsusuot ng bikini sa coronation night dahil sa kontrobersya ng unang edition ng beauty pageant. Ang Miss World ang most-watched program sa Bri­tish television noong dekada ’70 at ’80 pero ngayon, itinuturing nang old fashion ang nabanggit na beauty contest na napapanood na lang sa webcast at hindi na gaanong kilala sa United Kingdom. Malaki ang dapat ipagpasalamat ng Miss World Organization sa mga Pili­pino dahil popular na popular pa rin sa Pilipinas ang kanilang beauty with a purpose contest.
Posted on: Mon, 07 Oct 2013 02:35:52 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015