EXCLUSIVE: NAPOLES BREAKS SILENCE FOR THE FIRST TIME since her - TopicsExpress



          

EXCLUSIVE: NAPOLES BREAKS SILENCE FOR THE FIRST TIME since her “surrender,” alleged P10-billion pork barrel scam perpetrator Janet Lim-Napoles is breaking her silence. And for the second time in just three weeks, she’ll be grilled by the most outspoken name in talk TV: Krissy. 2:30 PM, August 30, 2013 Makati City Jail I’m baaaack! How are you naaa? Favorite n’yo talaga ako ‘no? Hay naku, I told Boy and Deo kanina, “Last na talaga ‘toh! Sa susunod you’ll have to pay me naaa.” Aha-ha-ha! Anyway, I’m outside Makati City Jail right now and… gosh, we have bulok jails pala talaga ‘no? How saaad! In a few minutes, I’ll be interviewing Ms Janet Lim-Napoles. I’m sure maraming magtataas ng kilay d’yan dahil pinayagan akong mag-interview. Care bears! Mamatay kayo sa inggit! Unang-una, hindi ko fault na nagri-rate ang interviews ko! At pangalawa, mataas ang commercial load ‘noh! So don’t be nega! Dapat love love love na lang. Teka, ang dami ko na palang sinabi! Wala naman akong kausap. Parang tanga lang. Aha-ha-ha! O, we’re here na! Where’s Hi po Ma’am Krissy! Ay! Nakakagulat ka naman! Bigla ka na lang sumusulpot Ms Janet! Sa’n ka ba galing? Tumae po Ms Krissy! Yuuuccck! Kadiri kaaa! I hate you naaa! Nag-hand sanitizer ka ba? Hindi po. Yuuuuuuucccck! Kadiri ka ulit! Here! I have extra. Sa ‘yo na! Salamat po Ms Krissy. Krissy na lang! And pleaaase! ‘Wag mong ipagdiinang ‘Miss’ pa ako. Choice ko ‘yon ‘noh! Start na tayo! How are you naaa? Heto po. Medyo ‘di nakakatulog. Medyo lang?!? I saw your mugshots girl! In fairness, parang three weeks ka nang gising. You look haggard naaaa. ‘Yun nga po ang ano eh. Sabi ko sa ano, sa pulis, “Kuya, ‘wag mo na akong piktyuran. Marami ako sa bahay bigyan na lang kita. Pangit ako ngayon.” nap 2 Pangit ka ngayon??! Bakit? Pwede na bang i-sked ang ganda? I’m sure naloka sa ‘yo ang mga taga-Crame. Anyway, iwanan na natin ang ‘Blusang Itim’ anecdote mo. Let’s talk about your surrender! Anong naramdaman mo nang iannounce ni Kuya Noy na may patong kang 10 million pesos sa ulo? Noong una, natuwa po ako. Pero nang tingnan ko sa salamin, wala namang nakapatong. So, nalungkot talaga ako. Feeling ko nagtatanga-tangahan kaaaaa. But to be fair, you’re effortless. Promise. Wait, balik tayo sa events noong Wednesday. Pati ako na-curious. What happened ba talaga? Ganito po kasi ‘yon. Naka-freeze po ang bank accounts ko sa ano ‘di ba? Eh ano nga po, ‘yon nga, si ano, si Attorney sobrang kulit. Humihingi ng bayad kasi kailangan na raw niyang bumili ng bagong shawl at makeup kit. Ubos na raw ang mascara niya. Eh wala naman akong hawak na pera. ‘Tapos bigla na lang nagsunud-sunod ang threats. Saan galing ang threats? Senador ba ito? Congressman? Hindi po. Kay Attorney mismo po! Sabi niya, “’Pag ‘di ako nakabili ng bagong shawl by Saturday, isinusumpa ko, magiging kamukha kita!” Eh naniniwala po ako sa sumpa kaya natakot talaga ako. Naloloka ako sa kwento mo huh! Hiyang-hiya daw naman sa ‘yo ang lawyer mo! So paano ka napunta sa Malacañang? Si ano po, si Attorney. Sabi niya, “Sayang ang 10 million! Nandito ka na rin lang, mabuti pa, pumunta ka sa palasyo at ituro mo ang sarili mo!” So gano’n na nga po ang ginawa ko. Pumunta na ako sa palasyo. Bongga! So, ibinigay sa ‘yo ni Kuya Noy ang 10 million? Hindi po. Joke lang daw po ‘yon. Wala naman daw talagang 10 million. ‘Bait’ lang daw. 1PALACENAP Shocks. You’re so kawawa. Hay naku, blame your lawyer! She’s making fun of you naaaa. That woman talagaaaa! Anong next na nangyari nang nasa Malacañang ka? Nakasalubong ko po si Ochoa at ‘yong bodyguard niya. Sabi n’ya, “Bro, anong ginagawa mo rito? Gabi na ah!” Nakakatawa. Hindi yata nila ako nakilala kasi naka-hoodie at robber shoes ako. Parang tanga lang ‘yong dalawa. Tapos… nang inalis ko ang aking hoodie, napasigaw po si Ochoa, “Ay, putang-ina. Ma’am Janet, ikaw ba ‘yan?” Sabi ko, “Jojo, long time no see ah.” ‘Tapos, ewan ko ba. Bigla na lang tumakbo palabas ng Malacañang ang dalawa. Hahaha Stop there! This is so like grabe na talaga. Naloka siguro si Ochoa nang makita ka ‘noh? Are you friends? No comment po Ms Krissy. Fine! Nagtagal ka ba sa palasyo? Mga two and a half hours po. Dumating kasi sina Secretary Lacierda, Almendras at Mar Roxas ‘tapos pati si Presidente nakipagkwentuhan pa. Kinilig po ako. Ngayon ko lang siya nameet. Photogenic pala sa malapitan. Then, sumunod rin si Attorney na may bagong shawl. May pera naman pala, nanakot pa. In short, medyo napasarap ang aming kwentuhan. Winner ka talagaaaaa! Makipagchikahan daw ba sa Presidente?! Gabing-gabi… in rubber shoes and hoodie?!? Bongga ka!!!! ‘Tapos inescortan pa to Crame! Hindi na kita kinakaya! Janet… ikaw na! Oo nga po eh. 1PALACENAP In case you’re reading this Kuya Noy, you owe me one uh. You haven’t invited me to Malacañang for months ‘tapos si Ma’am Janet… may red carpet pa! I’m inggit naaaaa. Promiiiiiise! O, balik po tayo sa isyu. Hilong-hilo na kami sa ‘yo! From Heritage Park to Malacañang to Camp Crame to Makati City Jail to Fort Sto. Domingo… ano ‘to moro-moro? Travel show po. Charot! Did you just say ‘charot?’ Eeew. You’re so showbiz talaga. Let’s play a game na nga lang. Gusto ko po ‘yan! Lagi po akong nanonood ng Game Ka Na Ba? Talaga??? Sige nga, ano ang sinasabi ko kapag magsisimula na ang game? “Laglagan naaaa!” Charot! Hay naku, ini-etchos mo lang ako. ‘Hole in the Wall’ ‘yan noh! Sa kabilang channel ‘yan! Start na nga tayo. Janet, Game ka na ba? Game na! Kumpletuhin ang kasabihan: ‘Ang taong nagigipit…’ Sa palasyo nakikipag-meet?! I’ll accept that! Next: Ano ang O sa COA? Ochoa? Helllllow! Hindi ‘yon tao! Hayop po si Ochoa? Ang sloooow! Iba na nga lang. Kumpletuhin ang kasabihan: Tell me who your friends are… And I will be a state witness! Asa pa you! Aha-ha-ha NEXT: Ano ang N sa NBI? Naisahan? Actually! Aha-ha-ha Last na nga lang: Kung si De Lima sa Katarungan, at si Carpio-Morales sa Ombudsman, saan naman si Mar Roxas? My spokesman? Ay, hindi pala. Sorry po. Sorry po Secretary. Alam mo, mapapahamak tayo sa ginagawa mo. Moving on… for two weeks, nag-disappear ka. Where did you go ba? Tutal passed is passed na, aaminin ko na po. Tama po ba ang English ko? Sandali po “passed was passed” pala kasi past tense na. Bahala na. ‘Yon nga po. Tama po ‘yong ano, ‘yong tsismis. Never po akong umalis. Alam ni Attorney ‘yan dahil mismong sa mga pisngi niya ako nagtago. Palipat-lipat po ako sa makapal na foundation kaya ‘di masyadong pansinin. Minsan nga po, nagugulat at napapasigaw na lang siya ‘pag nananalamin, “Ay puk*. Anjan ka pala!” Hahaha untitled Alam mo, I don’t trust her talagaaaa. Promiiiise! O sha, last question na nga tayo kasi ililipat ka na raw sa Laguna: kung isasapelikula ang life story mo, sino ang gusto mong gumanap sa iyo? Lani Mercado? Charot! Stop it! I hate that word. Seryoso ako! Sinong gusto mong gumanap sa biopic mo? Kayo po Ms Krissy. Ako?!?!?!? Hindi po. Kayo! Uyyyy, buma-Vice Ganda s’yaaa! Ayaw ni Jessica ng ganyan! Jessica Soho po? Hindi. Jessica Soho! Aha-ha-ha! Gotcha! Bawi-bawi rin ‘pag may time! Bongga! Sandali! Bakit naman ako? Pareho po tayong mayaman. Pareho po tayong maimpluwensya. Pareho po tayong sikat. Pareho po tayong close sa mga pulitiko at pulitika. At tayo po ay magkasing-ganda. Excuse meeee! We’re not! Sige na nga po. Ikaw lang ang tunay na maganda! Yeyyyyyyyy!!! I love you naaaa! Charot!
Posted on: Wed, 04 Sep 2013 00:17:20 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015