Eto ang simpleng paraan: 1 Mag-ipon habang maaga (hindi bababa ng - TopicsExpress



          

Eto ang simpleng paraan: 1 Mag-ipon habang maaga (hindi bababa ng 10% ng kinikita mo). 2 At i-invest ang perang iyong naipon at hindi mo kailangan upang lumago. Ang tanong, kung meron kang konting naipon saan mo naman ito i-invest? Kung itatago mo lang sa bangko, lugi ka sa inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin kumpra sa maliit ng interest sa bank deposit. Ang mabibili mo sa P100,000.00 ngayon ay hindi mo na mabibili sa susunod na taon. Gusto mo naman mag-negosyo kaso wala kang alam sa business. Marami na ang nag-franchise ng iba’t-ibang negosyo tulad ng fish ball osiomai stand, computer shop, bilyaran ngunit nalugi at nawala na parang bula ang kanilang pinag-ipunan ng mahabang panahon. Saan mo pwedeng ilagay ang pera mo kung saan hindi manganganib ang boung life savings mo ngunit lalago rin ito na mas malaki sa bank deposit? Tara, tignan natin ang iba’t-ibang uri ng investment.
Posted on: Wed, 11 Sep 2013 06:48:51 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015