"FLASH!!! Napasok na nang militar ang lugar kung saan nagtago ang - TopicsExpress



          

"FLASH!!! Napasok na nang militar ang lugar kung saan nagtago ang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) sa sitio Pedtad, Barangay Gaunan, Mlang, North Cotabato. Kasalukuyang nagsasagawa nang clearing operations ang militar sa lugar. Ilang mga bakas ng dugo ang kanilang natagpuan na pinaniniwalaang mula sa sugatan o nasawing kalaban. Nitong Martes, 22 rounds ng 105 howitzers ang pinakawalan nang army sa lugar na pinagtataguan ng BIFF rebels. At kahapon muli namang nagpalipad ng 105 howitzers ang army dahil sa namataang pagbalik ng mga armado sa lugar."
Posted on: Thu, 03 Oct 2013 00:06:27 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015