FORT RAMON MAGSAYSAY, Nueva Ecija Hulyo 2 (PIA) -- Sinalubong - TopicsExpress



          

FORT RAMON MAGSAYSAY, Nueva Ecija Hulyo 2 (PIA) -- Sinalubong kamakailan ng buong tropa ng 7th Infantry Division (7ID) ng Philippine Army ang pagdating ni 1st Malaysian Infantry Division Commanding Officer Major General Datuk Mohd Zaki Bin Haji Mokhtar sa kampo nito sa Fort Magsaysay upang isagawa ang apat na araw na Malaysian- Philippines Senior Officer Exchange Visit Program (MALPHI- SOEVP). Ayon kay 7ID Commander Major General Gregorio Pio Catapang, Jr., ito ay positibong aspeto sa mga sundalo dahil patuloy na kinikilala ng ibang bansa ang kapabilidad at kakayahan ng Hukbong Katihan. Ang SOEVP ay isinasagawa dalawang beses kada taon ng Philippine at Malaysian Army upang makapagbigay kontribusyon sa kanilang mga misyon at organisasyon. Kasama ni Heneral Mokhtar ang kanyang tatlong Senior Officers sa pagbisitang ito. (CLJD/CCN-PIA 3)
Posted on: Tue, 02 Jul 2013 06:41:56 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015