FRIDAY, JULY 12, 2013 BALITANG ABROAD: 3 embassy officials - TopicsExpress



          

FRIDAY, JULY 12, 2013 BALITANG ABROAD: 3 embassy officials pinare-recall sa Saudi ‘Tent City’ demolition Pinapa-recall ng mga militanteng mambabatas sa Kamara ang matataas na opis­yales sa Riyadh, Saudi Arabia matapos iutos umano ng mga ito sa mga Saudi police ang pagbuwag sa mga Filipino na nagka-camp-out sa kanilang compound dahil sa isinasagawang crackdown sa mga iligal na dayuhang manggagawa sa nasabing bansa. Bukod sa press conference, naghain din sina Gabriela partylist Reps. Luzviminda Ilagan at Emmi de Jesus ng resolusyon para kondenahin ang pagbuwag sa mga Filipino sa embassy compound simula noong Hunyo 30 hanggang Hulyo 4. “Whereas, according to the OFWs, the violent dispersal were ordered by no less than the Philippine Ambassador Ezzedrin Tago, Labor Attaché Adam Musa and Welfare Officer Abdullah Umpa,” ayon sa House resolution 53 nina Ilagan at De Jesus. Dahil naging bayolente umano ang pag-disperse sa mga OFWs ay mara­ming nasaktan at umaabot umano sa 40-katao ang inaresto ng Saudi police sa loob mismo ng compound ng Embahada ng Pilipinas. Dahil dito, hinamon ni De Jesus, at mga kaalyado nilang mambabatas ang Department of Foreign Affairs (DFA) at maging ang Department of Labor and Employment (DOLE) na i-recall ang mga nabanggit na opisyales. ~vittel~
Posted on: Fri, 12 Jul 2013 01:42:36 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015